02/06/2026
Sa sesyon kahapon, naipasa natin ang resolusyon na nagre-request sa DPWH na mailipat ang ROES footbridge sa kung saan ito mas maaaring mapakinabangan.
Kasama sa mungkahi natin ang posibleng paggamit nito bilang footbridge sa mga eskwelahan na may bagong tayong mga gusali (para hindi kailangang mag panhik panaog ng mga teachers at estudyante kung lilipat ng gusali).
Napansin ko kasi na nakasarado lang ito for the longest time at walang gumagamit. When I asked parents and teachers, mahirap para sa mga bata ang tumawid pa dito dahil sa bigat ng bag, at mas mahirap pa para sa mga estudyanteng naka stroller na bag.
Maikli lang naman ang tawiran at sa kasalukuyan ay may empleyado lang ang munisipyo na nag-aassist sa mga tumatawid. Ang rekomendasyon natin, pagpapatuloy ng assisted crossing at mas maayos na pedestrian lane para sa mga mag-aaral. π
Kesa masayang ang 16.8M na ginastos para rito, sana ay mapakinabangan pa ito kung saan ito mas magagamit. π