03/05/2026
Isang karangalan ng Central Taytay National High School ang sumali sa Drum and Lyre Corps Pasinggatan Festival 2026 Competition, ngunit wala ang lahat ng ito kung wala ang mga taong nasa likod ng aming tagumpay.
‎
‎Walang hanggang pasasalamat una at higit sa lahat sa Poong Maykapal na umingat sa bawat myembro ng DLC simula day 1 hanggang sa performance. Salamat sa kalakasan, kalusugan, at kaligtasan.
‎
‎Sa mga magulang na walang sawang pagsuporta at paggabay sa kanilang mga anak, maraming-maraming salamat po. Simula sa umpisa hanggang sa dulo ay hindi ninyo kami iniwan.
‎
‎Sa aming mga trainers:
‎Dance master - LB Joebert Richa and Nicca M Yottah
‎Musical director - Jerick Ranes
‎Choreographer, Visual Artist and Artistic Director - Alvin Faulve and Leonilo Sollano Lisao,
‎saludo kami sa inyong determinasyon at pagtityaga na inyong ipinamalas sa DLC members. Ang inyong presensya at pagsasanay sa mga bata ay naging malaking tulong sa kanila bilang mga beginner sa larangan ng DLC competition. Salamat sa magandang panimula na ibinahagi ninyo sa mga bata.
‎
‎Sa CTNHS MAPEH Department, sa pangunguna ni Ma'am Ofelia A. Lucernas, kasama ang DLC adviser, Ma'am Aiza A. Clemenia, at co-advisers, Maria Angelica S. De Luna at Mauren V. Castillo, sa walang tigil na pagbigay ng lahat ng tulong at pangangailangan bago pa man ang kompetisyon. Maraming salamat sa inyong pangunguna upang mabigyang buhay muli ang pangalan ng ating paaralan.
‎
‎Sa CTNHS Faculty and Staff sa pangunguna ng aming principal, Sir Levi M. Dalumpines, maraming salamat sa inyong pagpapadama ng suporta sa ating DLC sa pamamagitan ng inyong oras at presensya. Hindi naging hadlang ang bakasyon sa inyong ipinadamang tulong at pagmamahal.
‎
‎Sa LGU Taytay na pinamumunuan ni Hon. Mayor Norbert Lim, maraming-maraming salamat po sa patuloy na pag-motivate sa aming paaralan na makalahok sa Pasinggatan Festival. Ang inyong pagmamalasakit sa mga kabataang Taytayano ay tunay na nagbigay ng pagbabago para sa pagpapakita nang kanilang kakayahan. Laging bukas ang aming institusyon sa mga opurtunidad na nais pa ninyong ipaabot.
‎
‎At sa lahat-lahat ng mga nagpaabot pa ng tulong o donasyon, walang sawang pasasalamat po sa inyo:
‎*Brgy. Poblacion sa pamumuno ni Hon. Bgy. Captain, Maria Lucia R. Rodriguez;
‎*CTNHS Alumni Association;
‎*Parent-Teacher Association;
‎*Private Sectors.
‎Sa lahat ng mga naging haligi ng Central Taytay National High School upang mairaos ang competition na ito, pisikal, pinansyal, moral, at maging sa pagkain ng bawat isa, salamat sa walang hanggang suporta ninyo sa mula noon hanggang ngayon. Hindi man namin maisa-isa pero buong puso po ang aming pasasalamat.
‎
‎Sa muli, congratulations CTNHS sa isang matagumpay na pakikibahagi sa Pasinggatan Festival 2026 Drum and Lyre Corps Competition! Mabuhay!
‎
‎*BEST IN BANNER
‎*LARGEST CONTINGENT
‎