27/12/2025
Para sa kaalaman ng aming mga taga SITIO! Pwedeng pwede na kaming mangumpiska.
‼️𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎‼️
𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐁𝐎𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐖
𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐍𝐨. 𝟐𝟒𝟏𝟒-𝟎𝟒𝟕
Upang masiguro ang kaligtasan lalo na sa panahon ng pagdiriwang, ipinapaabot ng Pamahalaang Lokal ang mahigpit na pagpapatupad ng 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐁𝐎𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐖.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagmamay-ari, at paggamit ng boga (improvised noise-making device) sapagkat ito ay mapanganib at maaaring magdulot ng malubhang pinsala, sunog, pag-iingay at pagkasugat, lalo na sa kabataan.
Ang sinumang mahuling lumalabag ay maaaring maharap sa multa at kaukulang parusa alinsunod sa nasabing ordinansa.
Paalala rin sa mga magulang at tagapag-alaga: bantayan ang ating mga anak at ipaliwanag ang panganib na dulot ng boga at iba pang ipinagbabawal na pampaputok.
Nanawagan kami sa lahat na makiisa. Kung may mapansin kayong gumagawa o gumagamit ng boga sa inyong lugar, agad na ipagbigay-alam sa ating Barangay sa numero ng Brigada upang maagapan at matulungan ang komunidad.
☎️ 0998-220-5844
Sa tulong at pakikiisa ng bawat isa, maiiwasan ang aksidente at masisiguro ang ligtas at mapayapang pamayanan.