MENRO Taytay,Rizal

MENRO Taytay,Rizal The official page of the Municipal Environment and Natural Resources Office of Taytay, Rizal.

19/08/2026
18/08/2026
17/08/2026
๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ญ๐ก ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐žBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Lalawigan sa temang "Years of ...
11/06/2026

๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ญ๐ก ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Lalawigan sa temang "Years of Unity and Prosperity", nagsagawa tayo ng isang Clean-up Drive sa Gonzaga Compound, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Sa pangunguna ni BM Papoo Cruz, kasama sina Mayor Allan De Leon, Municipal Councilor Mitch Bermundo, Municipal Councilor Kiko Esguerra, at Barangay San Juan, Taytay, Rizal, sa pangunguna ni Barangay Chairperson Rasel Valera, at iba't ibang nasyonal at lokal na mga opisina, mga organisasyon, at mga eskwelahan, nakapagtala tayo ng humigit-kumulang 216 sako ng halo-halong basura mula sa daluyan ng Bangiad Creek.

Ang gawaing ito ay bahagi rin ng pagsusulong sa Buhayin ang Sapa, Ilog, Lawa at Karagatan Program (BUSILAK) ng ating probinsya, kung saan tayo ay naglalayong mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating mga daluyang tubig.

๐˜“๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ.

Taytay Public Information Office

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฉ๐จ: ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ ๐ž ๐–๐š๐ฅ๐ค, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฒ๐ญ๐š๐ฒNagsagawa ang DENR Nat...
06/05/2026

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฉ๐จ: ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ ๐ž ๐–๐š๐ฅ๐ค, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฒ๐ญ๐š๐ฒ

Nagsagawa ang DENR National Capital Region, sa pamamagitan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO), ng Pasig River Heritage Walk para sa mga mag-aaral at youth group mula Taytay, Rizal, bilang bahagi ng experiential learning activities sa kahabaan ng Ilog Pasig. Ang aktibidad ay bahagi rin ng Environmental Learning Camp na isinakatuparan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Taytay, kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day 2026.

Naging sentro ng walking tour ang Pasig River Esplanade, kung saan nasaksihan ng mga kalahok ang ibaโ€™t ibang interbensyon sa kahabaan ng ilog, kabilang ang cleanup operations, easement recovery, at mga umiiral na batas pangkalikasan, at ang kahalagahan ng pampublikong espasyo na nagsisilbing ligtas at maayos na lugar para sa komunidad. Ipinakita rin kung paano isinusulong ang urban development at ang mas inklusibo at sustenableng paggamit ng mga daluyan ng tubig. Binigyang-diin din ang koneksyon ng Ilog Pasig sa mas malawak na watershed systemโ€”mula Laguna de Bay hanggang Manila Bayโ€”na nagpapakita ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga komunidad at ibaโ€™t ibang sektor mula upstream hanggang downstream.

Sa pamamagitan ng Communication, Education, and Public Awareness (CEPA) activities gaya ng Pasig River Heritage Walk, mas pinapalawak ang kamalayan ng publiko at kabataan sa kahalagahan ng Ilog Pasigโ€”hindi lamang bilang makasaysayang daluyan ng kalakalan at kultura, kundi bilang isang mahalagang ekolohikal na sistema na dapat ay patuloy na pangalagaan, bilang bahagi ng mas malawak na Manila Bay Rehabilitation Program.



๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง: ๐ƒ๐„๐๐‘-๐๐‚๐‘ ๐๐š๐ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐š๐ฒ ๐‘๐ž๐ก๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆNagbahagi ...
02/05/2026

๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง: ๐ƒ๐„๐๐‘-๐๐‚๐‘ ๐๐š๐ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‘๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐š๐ฒ ๐‘๐ž๐ก๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

Nagbahagi ng kalaaman ang DENR National Capital Region sa isinagawang Environmental Learning Camp ng Pamahalaang Bayan ng Taytay (MENRO Taytay,Rizal), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day 2026, kung saan nagsagawa ng Dalaw Turo ukol sa kasulukuyang estado ng Ilog Pasig at sa patuloy na rehabilitasyon nito sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program.

Ang aktibidad ay ginanap sa Arroceros Forest Park, Maynila at dinaluhan ng mga mag-aaral at youth organizations mula Taytay, Rizal.

Pinangunahan ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) at Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO) ang talakayan na sumentro sa kasaysayan, kasalukuyang kondisyon, at mga patuloy na hakbangin para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig at Manila Bay, kabilang ang pagpapabuti ng kalidad ng tubig, maayos na pamamahala ng solid waste, pagpapatupad ng environmental laws, at pakikipag-ugnayan sa ibaโ€™t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.

Bahagi rin ng aktibidad ang field exposure at pagsasagawa ng basic water quality analysis upang higit na maunawaan ang ugnayan ng mga watershed, ilog, at baybayin sa pangangalaga ng kapaligiran.

Bilang isa sa mga bayan at local government unit na bahagi ng mas malawak na Pasig River System, mahalagang katuwang ang Taytay sa pangangalaga ng ating mga daluyang tubig.

Sa pamamagitan ng paghubog sa kamalayan ng kabataan, mas napapalakas ang kolektibong pagkilos para sa mas malinis na ilog at mas ligtas na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.



๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐š๐ฒ ๐‹๐†๐”-๐‚๐€ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฒ๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Sa patuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng ating Manila Bay, isinagawa natin ngayon...
30/04/2026

๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐๐š๐ฒ ๐‹๐†๐”-๐‚๐€ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฒ๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Sa patuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng ating Manila Bay, isinagawa natin ngayong araw ang Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Programโ€”Local Government Unit Compliance Assessment para sa taong 2025 sa ating bayan.

Bahagi ng isinigawang pagsusuri ang table assessment at ground validation upang makita ang implementasyon sa tatlong pangunahing kategorya: Liquid Waste Management, Solid Waste Management at Informal Settler Management.

Katuwang sa masusing pagsusuri ay ang mga validators mula sa, Provincial Health Office, Rizal Environment and Natural Resources Office, Provincial Housing Office, Manila Bay Regional Office, at DILG Rizal.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ating
tuloy-tuloy na monitoring at validation upang matukoy ang mga kinakailangang interbensyon, mapalakas at madagdagan ang mga kasalukuyang aktibidad, proyekto at programa, at matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na pagpapabuti ng implementasyon.

Mayor Allan De Leon
Taytay Public Information Office

27/04/2026

Address

Ground Floor, Manila East Arcade Ll Bldg. , Don Hilario Avenue Mnl. East Rd. Brgy. San Juan
Taytay
1920

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Taytay,Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MENRO Taytay,Rizal:

Shortcuts

Share