15/12/2025
Kumusta mga kabataan ng Barangay Sto.Nino. Nilalambing na ba ang lahat?
Este, nilalamig pala? Totoo ngaaa, Christmas is just around the corner kaya naman kami ay bumabati sa inyo ng isang Maligayang PaSKo!
Sa pagtatapos ng taon, sama sama nating ipagdiwang ang mga kwento ng pagsisikap, tagumpay at pag-asa ng kabataang Sto.Nino.
Ang bawat isang kabataan ay iniimbitahan para sa isang natatanging selebrasyon ng saya at pagkilala nang may pasasalamat at masayang puso. Halina't maki-isa, sa isang kasiyahang inihanda ni eSKi para sa inyo.
Inihahandog ang "𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙔𝙚𝙖𝙧 𝙀𝙣𝙙 𝘼𝙨𝙨𝙚𝙨𝙨𝙢𝙚𝙣𝙩 2025".
Samahan ninyo muli kami, tayo ay magsaya at manalo ng mga kapanapanabik na pa-premyo.
𝙈𝙂𝘼 𝙋𝘼𝘼𝙇𝘼𝙇𝘼:
- Sa pagtitipon ding ito ay gaganapin ang pamamahagi ng PamaSKong Handog Educational Assistance 2.0. Hinihikayat ang bawat isang
indibidwal na nagpasa noong ika-30 ng Nobyembre na dumalo sa nasabing kasiyahan.
- Lahat ng kabataang dadalo ay hinihikayat na magsuot ng kumportableng damit na maaring magamit sa mga palaro ni eSKi.
Kita kita tayo! 🤍