Sangguniang Kabataan - Brgy.Piña, Taysan Batangas

Sangguniang Kabataan - Brgy.Piña, Taysan Batangas The Official page of Sangguniang Kabataan - Brgy.Piña, Taysan Batangas 2023

31/08/2026
A Successful KK Assembly 2026 & Project Daloy-Dunong 2.0! 💚💛A meaningful gathering filled with unity, participation, lea...
30/08/2026

A Successful KK Assembly 2026 & Project Daloy-Dunong 2.0! 💚💛

A meaningful gathering filled with unity, participation, learning, and empowerment, where the voices of the youth of Piña were heard and valued. 🫶✨

Through Project Daloy-Dunong 2.0, we continue to promote knowledge-sharing, develop the skills of our young people, and create opportunities that will help them build a brighter future. 📚🌱
“Strong Youth. Empowered Youth. Youth of Piña.” 💚
Thank you to all the young people, partners, and everyone who made this activity a success. Together, let us continue to learn, lead, serve, and make a difference for the youth and our community. 💪✨


.0


29/08/2026

🌱 Matagumpay na KK Assembly 2026 at Project DALOY-DUNONG 2.0! 💚💛

Isang matagumpay at makabuluhang araw ang ating isinagawang KK Assembly 2026 at Project DALOY-DUNONG 2.0! 🎉👏
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng kabataang Piña na naglaan ng oras, dumalo, nakilahok, at nagbahagi ng kanilang mga saloobin at ideya. Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay na ang kabataan ay may boses, may malasakit, at may mahalagang papel sa pag-unlad ng ating barangay. 🫶🏻
Sa pamamagitan ng Project DALOY-DUNONG 2.0, patuloy nating isinusulong ang kahalagahan ng edukasyon at pagbibigay ng suporta sa ating mga kabataang nagsusumikap maabot ang kanilang mga pangarap. 📚🎓
💧 Tuloy ang pag-agos ng kaalaman, tuloy ang pag-agos ng pag-asa, at tuloy ang pagtulong sa bawat kabataang Piña.
Maraming salamat sa ating mga Kabataan, Barangay Officials, SK Officials, mga magulang, volunteers, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. 💚
Kabataang Matibay. Kabataang May Boses. Kabataang Piña. 💪🏻💚

.0



🌱 TULOY ANG PAGKILOS, TULOY ANG PAGTULONG! 🌱Magandang araw po, sa lahat! 🥰🫶🏻Umulan man o umaraw, tuloy ang ating pagkaka...
28/08/2026

🌱 TULOY ANG PAGKILOS, TULOY ANG PAGTULONG! 🌱
Magandang araw po, sa lahat! 🥰🫶🏻
Umulan man o umaraw, tuloy ang ating pagkakaisa, pakikilahok, at pagtutulungan para sa Kabataang Piña! 💚💛
Inaanyayahan ang lahat ng Kabataang Piña na makiisa sa ating KK Assembly 2026. Sama-sama nating pakinggan ang boses ng kabataan at maging bahagi ng mga programa at pagbabago sa ating komunidad. ✨
👀 WHAT: KK Assembly 2026
🗓️ WHEN: August 29, 2026 (Saturday)
🏘️ WHERE: Barangay Hall
⏰ TIME: 8:30 AM
⌛ CALL TIME: 7:00 AM — dapat ay narito na sa hall

📢 ATTENTION SA LAHAT NG NAG-REGISTER! 💚🌱
Para sa lahat ng Senior High School at College students na nag-register para sa Project DALOY-DUNONG 2.0, mahigpit na ipinapaalala na:
📌 MANDATORY ang attendance sa KK Assembly 2026.
Ang mga hindi dadalo sa KK Assembly ay HINDI MAKAKAKUHA ng allowance/scholarship assistance.
📝 Paalala: Dalhin ang lahat ng kumpleto at kinakailangang requirements para sa verification at processing ng inyong assistance.

Attendance is a must! Huwag palampasin ang pagkakataong matanggap ang inyong educational assistance. 💚
🌱 Project DALOY-DUNONG 2.0
“Tulong sa Kabataan, Daloy ng Kinabukasan.” 💚

🌧️ Umulan o umaraw, tuloy ang pagkilos! 💪🏻
Dahil ang Kabataang Matibay, Kabataang May Boses ay laging handang makiisa at tumulong. 💚
See you tomorrow, Kabataang Piña! 🫶🏻✨






Huling Hirit para sa mga Kabataan!Magtatapos na ang registration para sa Project Daloy-Dunong sa ilalim ng KK Assembly 2...
25/08/2026

Huling Hirit para sa mga Kabataan!

Magtatapos na ang registration para sa Project Daloy-Dunong sa ilalim ng KK Assembly 2026 bukas, August 26, 2026 (Miyerkules)!

Kung ikaw ay enrolled Senior Highschool o College Student at hindi ka pa nakakpagregister, ito na ang iyong pagkakataon para makibahagi at makiisa.

Registration Closes: August 26, 2026 (Wednesday)

I-click ang link na ito para mag-register: https://forms.gle/rpEZP19C5uTopJaZA

📢 MAHALAGANG PAALALA, MGA KABATAAN NG PIÑA! 💚💛🌊 PROJECT DALOY-DUNONG 2.0 🌊Para sa lahat ng kabataang nais maging benefic...
24/08/2026

📢 MAHALAGANG PAALALA, MGA KABATAAN NG PIÑA! 💚💛

🌊 PROJECT DALOY-DUNONG 2.0 🌊

Para sa lahat ng kabataang nais maging beneficiary ng Project DALOY-DUNONG 2.0 / Educational Assistance Program, narito ang mahalagang update:

📌 Ang registration ay hanggang 6:00 PM lamang ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2026.

⏰ Deadline: August 26, 2026 | 6:00 PM

👉 Mag-register lamang gamit ang OFFICIAL REGISTRATION LINK:
https://forms.gle/j6wKjnJ1XFgBTVtY6

⚠️ Paalala: Pagkatapos ng 6:00 PM sa Agosto 26, 2026, isasara na ang registration. Siguraduhing makapag-register bago ang deadline at kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at requirements.

🌊 Tuloy ang Pag-agos, Tuloy ang Pagtulong!
💚 Kabataang Matibay. Kabataang May Boses. Kabataang Piña.





22/08/2026
"Tuloy ang Pag-agos tuloy ang Pag tulong."Handa ulit kami para umalalay! muling inihahayag at isasabuhay ng SK Barangay ...
22/08/2026

"Tuloy ang Pag-agos tuloy ang Pag tulong."

Handa ulit kami para umalalay! muling inihahayag at isasabuhay ng SK Barangay Piña ang Project DALOY-DUNONG noong taong 2025 at ngayon ay tatawaging Project DALOY-DUNONG 2.0 para sa mga kabataan ng Barangay Piña na nag-aaral sa Senior-High at kolehiyo! 🌊

Dahil naniniwala kami sa "Ripple Effect"—ang simpleng tulong namin ngayon ay magiging malaking tagumpay niyo bukas. Mula projects hanggang connectivity, sagot namin ang push na kailangan mo!

MAHALAGANG PAALALA, MGA KABATAAN NG PIÑA!

Para sa lahat ng nakalista bilang beneficiaries ng Project DALOY DUNONG / Educational Assistance Program, huwag kalimutang dumalo sa KK Assembly 2026 sa Agosto 29, 2026, ganap na 8:30 AM.

MANDATORY ang pagdalo sa KK Assembly.

Walang proxy — kinakailangang personal na dumalo ang bawat beneficiary.

Magdala ng sariling ballpen para sa Attendance Sheet at Acknowledgement Receipt.

Dalhin ang 2 kopya ng kumpletong requirements:
• Fully Accomplished Application Form
• Certificate of Indigency
• Photocopy ng School ID (Front & Back) na may 3 with signatures
• Certificate of Enrollment / Registration Form (Current Semester)
• Certified True Copy of Grades / Report Card (Previous Semester)

⚠️ STRICT COMPLIANCE IS REQUIRED! Siguraduhing kumpleto at maayos ang inyong mga requirements.

Para sa registration at iba pang announcements, manatiling updated sa ating official page.

Kabataang Matibay. Kabataang May Boses. Kabataang Piña. 💚✨

I-scan ang QR Code o pidutin ang link para mag register

https://forms.gle/j6wKjnJ1XFgBTVtY6

BUKAS ANG REGISTRATION LINE HANGGANG AUGUST 26, 2026 LAMANG.





Address

Piña
Taysan
4228

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Brgy.Piña, Taysan Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share