11/02/2025
2025: Digital Bayanihan, para sa Kabataang Ligtas at Protektado Online!
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lahat tayo may papel sa pagpapanatili ng ligtas na digital na mundo para sa kabataan! Kaisa ang NCC-OSAEC-CSAEM, ating pinagdiriwang ang Safer Internet Day 2025!
Paano tayo makakaisa sa Digital Bayanihan?
✔️Maging responsable sa paggamit ng internet – Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at sensitibong content.
✔️Gabayan ang kabataan – Ituro ang tamang paggamit ng internet at paano iwasan ang cyberbullying, sextortion, at online exploitation.
Iulat at labanan ang abuso – Kung may nakikitang mapang-abuso na aktibidad online tulad ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), i-report ito agad sa tamang ahensya.
✔️Palakasin ang digital literacy – Turuan ang mga bata ng online safety practices upang mapanatili silang ligtas sa internet.
✔️Panoorin ang video na ito mula sa Stairway Foundation at alamin kung paano natin maisasabuhay ang Digital Bayanihan upang protektahan ang ating kabataan!
Sama-sama nating gawing ligtas at positibo ang internet para sa lahat!
Kung may nais kang ireport na mga insidente ng OSAEC, tumawag lang sa Makabata Helpline 1383