SK Ilaya Ilasan FB Page

SK Ilaya Ilasan FB Page Official page of Sanggunian Kabataan ng Brgy. Ilaya Ilasan

Muli po ang aming panawagan sa mga kabataan ng Brgy. Ilasan na nasa edad 15–20! Halina po at makilahok sa ating Team Bui...
10/09/2026

Muli po ang aming panawagan sa mga kabataan ng Brgy. Ilasan na nasa edad 15–20!

Halina po at makilahok sa ating Team Building ngayong darating na Sabado! Sama-sama tayong matuto, makipagkaibigan, at magkaroon ng masayang bonding.

Kita-kits po, kabataan! 💙

ILASANIN KABATAAN UNITE: TEAM BUILDING 2026

“Lead Together, Cooperate as One, Grow as a Team.”

This September, let’s come together—not just to have fun, but to build stronger friendships, develop leadership, learn the value of teamwork, and create a more united and empowered youth community.

📅 September 12, 2026 | 7:00 AM – 5:00 PM
📍 Covered Court, Ilaya Ilasan, Tayabas City
👥 Open to youth ages 15–20 years old
🎟️ FREE REGISTRATION | ONLY 50 SLOTS!
🍱 FREE LUNCH & SNACKS

A day to Lead. Cooperate. Grow. Unite.

Come and be part of the team!
Let’s build not only a team, but a stronger and more connected Kabataang Ilasanin.



TINGNAN | Digital Basketball Scoreboard 🏀Bilang bahagi ng mga proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Ilayang Ilasan, naisak...
10/09/2026

TINGNAN | Digital Basketball Scoreboard 🏀

Bilang bahagi ng mga proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Ilayang Ilasan, naisakatuparan ang pagkakaroon ng Digital Basketball Scoreboard para sa ating bagong basketball court, bilang suporta sa mga manlalaro at mga susunod pang henerasyon ng kabataan na mahilig sa basketball.

Kasalukuyan na itong pinagagawan ng frame at inaasahang maisasakatuparan sa mga susunod na araw upang mapakinabangan na ng ating mga kabataan sa kanilang mga laro.

Ang proyektong ito ay isang hakbang tungo sa mas makabago, progresibo, at maunlad na komunidad isang hakbang para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.


ILASANIN KABATAAN UNITE: TEAM BUILDING 2026 “Lead Together, Cooperate as One, Grow as a Team.”This September, let’s come...
02/09/2026

ILASANIN KABATAAN UNITE: TEAM BUILDING 2026

“Lead Together, Cooperate as One, Grow as a Team.”

This September, let’s come together—not just to have fun, but to build stronger friendships, develop leadership, learn the value of teamwork, and create a more united and empowered youth community.

📅 September 12, 2026 | 7:00 AM – 5:00 PM
📍 Covered Court, Ilaya Ilasan, Tayabas City
👥 Open to youth ages 15–20 years old
🎟️ FREE REGISTRATION | ONLY 50 SLOTS!
🍱 FREE LUNCH & SNACKS

A day to Lead. Cooperate. Grow. Unite.

Come and be part of the team!
Let’s build not only a team, but a stronger and more connected Kabataang Ilasanin.



Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataan na nakiisa sa isinagawang Palaro ng Lahi bilang bahagi ng Linggo ng Kabataa...
19/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataan na nakiisa sa isinagawang Palaro ng Lahi bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026 sa Barangay Ilaya Ilasan, Tayabas City! ❤️

Ng proyektong ito ay naglalayong buhayin at ipagpatuloy ang mga larong Pinoy at kulturang minana natin sa mga nakaraang henerasyon. Agawan ng Biik, Agawan ng Buko, Paluan ng Palayok, Tug of War, Sack Race, at Pabilisan Kumayod ng Niyog.

Higit sa saya at mga premyo, ang Palaro ng Lahi ay naging pagkakataon upang magkaisa, magsaya, at muling buhayin ang ating mga tradisyon na palaro.



Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na naisagawa ang Ilasan Criterium Race 2026 sa Barangay Ilaya Ilasa...
19/08/2026

Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na naisagawa ang Ilasan Criterium Race 2026 sa Barangay Ilaya Ilasan, Tayabas City! 🏁🚴‍♂️🚴‍♀️

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng cyclists na nakiisa at nagbigay ng kanilang buong husay at determinasyon sa karera. Maraming salamat din sa ating mga Bantay Bayan na nagbantay, nag-asikaso, at tumulong sa pag-aayos ng daloy ng karera upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga participants at ng buong komunidad. 🙌

Hanggang sa susunod na karera Kabataang Ilayahin! Ride Safe. 🫡



Karagdagang aktibidad na isinagawa bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026 ang pamimigay ng tinapay at masarap na lugaw...
19/08/2026

Karagdagang aktibidad na isinagawa bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026 ang pamimigay ng tinapay at masarap na lugaw para sa ating mga kabataan. 🥣😊

Sa simpleng paraan, nais nating maipakita ang ating pagmamalasakit at suporta sa kabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa paghahanda at pamamahagi ng lugaw, lalo na sa ating mga Bantay Bayan at Sangguniang Kabataan ng Ilaya Ilasan.

Simpleng lugaw at tinapay, malaking saya at malasakit para sa kabataan!


Bilang pagpapatuloy ng ating Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa ang pamamahagi ng Anti-Drug Awareness T-Shirts para sa m...
18/08/2026

Bilang pagpapatuloy ng ating Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa ang pamamahagi ng Anti-Drug Awareness T-Shirts para sa mga kabataang nakiisa sa ating Color Fun Run and Anti-Drug Awareness.

Ang simpleng t-shirt na ito ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa, kamalayan, at matatag na paninindigan ng kabataan laban sa ipinagbabawal na gamot, na may mensaheng:

🗣️ “BREAK THE CYCLE, DRUGS COST EVERYTHING.”

Nawa'y magsilbi itong paalala sa bawat kabataan na ang pagpili ng tamang landas, malusog na pamumuhay, at positibong kinabukasan ay nagsisimula sa ating mga desisyon ngayon.

Patuloy nating palakasin ang kamalayan ng ating kabataan at sama-sama nating isulong ang isang malusog, aktibo, responsable, at drug-free na komunidad!




18/08/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026 – Color Fun Run and Anti-Drug Aw...
18/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026 – Color Fun Run and Anti-Drug Awareness.

Maraming salamat sa ating mga Bantay Bayan sa kanilang pagtulong sa pagbabantay, pag-aayos ng daloy, at pagtiyak sa kaligtasan ng ating mga runners.

Salamat din sa lahat ng participants na naglaan ng oras at lakas upang makiisa sa ating adhikain. Ang inyong pakikilahok ang naging dahilan kung bakit naging makabuluhan at matagumpay ang ating Fun Run!

Sama-sama nating itaguyod ang isang aktibo, malusog, at drug-free na kabataan!




Sa likod ng matagumpay na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan at Anti-Drug Awareness, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan...
17/08/2026

Sa likod ng matagumpay na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan at Anti-Drug Awareness, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni St. Roque ng Brgy. Ilayang Ilasan noong Agosto 16, 2026, ay ang sama-samang oras, effort, at dedikasyon ng bawat taong naging bahagi ng selebrasyon.

Lubos ang aming pasasalamat sa aming SK Councils at sa mga kabataang volunteer na naglaan ng kanilang oras, lakas, at panahon upang tumulong sa paghahanda at pagpapatupad ng mga programa.

Salamat din sa lahat ng nakilahok at nakiisa sa bawat aktibidad. Sa mga sumali, naglaro, nag-support, at naglaan ng oras para makibahagi kayo ang nagbigay-buhay at saya sa ating selebrasyon.

Ang tagumpay ng programang ito ay hindi lamang dahil sa mga nag-organisa, kundi dahil sa pakikiisa ng buong komunidad at ng ating mga kabataan.

Maraming salamat sa inyong lahat! Sama-sama nating patuloy na suportahan at bigyang-halaga ang ating kabataan. 💛

**Walang imposible kapag sama-sama!** ✨


Address

Brgy. Ilaya Ilasan
Tayabas
4327

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Ilaya Ilasan FB Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK Ilaya Ilasan FB Page:

Shortcuts

Share

Category