08/04/2026
Magandang Araw po sa lahat.
Alinsunod sa umiiral na Energy Crisis at kasalukuyang Austerity Measures, at batay sa Executive Orders No. 110 & 114 at DILG Memorandum Circular 2026-23, ipinababatid po ng Sangguniang Kabataan na ang ating nakatakdang Basketball League ay hindi muna itutuloy.
Ang desisyong ito ay isinagawa matapos ang masusing konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya, kabilang ang Liga ng mga Barangay (LNB) at ang ating Local Chief Executive (LCE), bilang pagtalima sa kasalukuyang sitwasyon at mga umiiral na patakaran.
Alinsunod sa patnubay ng Sangguniang Barangay at ng Punong Barangay, mahalaga ang patuloy na koordinasyon at pagsunod sa mga umiiral na patakaran.
Ang hakbang na ito ay hindi nangangahulugang tuluyan nang kakanselahin ang mga aktibidad, kundi pansamantala lamang itong ipagpapaliban lalo na ang mga programang nangangailangan ng malaking pondo at mataas na enerhiya.
Sa halip magtutuon tayo sa mga programang abot kaya at nakabatay sa komunidad na nakasentro sa pagpapaunlad ng leadership at kasanayan, at may malinaw na positibong epekto sa kabataan.
Huwag kayong mag-alala patuloy ang Sangguniang Kabataan sa paglikha ng iba pang inisyatibo at aktibidad, kabilang ang mga may kinalaman sa sports, upang mapanatiling aktibo at nakikibahagi ang ating kabataan sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon.
Kami ay taos pusong humihingi ng inyong pag-unawa at suporta. Patuloy kaming maglilingkod sa kabataan nang may malasakit, disiplina, at pananagutan.
Maramang Salamat po.