26/05/2025
๐๐ฑ๐๐๐๐ฆ๐๐ ๐: ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฒ๐โ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ด, ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป
Sa bawat hinaing, may dapat makinig. Sa bawat laban, may dapat kasama. Sa bawat pangarap, may dapat tumulong magtaguyod. Dahil ang tunay na estudyante-lider ay hindi lang nagsasalita para sa masa kundi nakikinig siya, nakikiramay, at tunay na naroon.
Ang puso ng aming paninilbihan ay simple: ang kapakanan at kinabukasan ng bawat estudyante. Hindi lang para sila ay ipaglaban sa papel o sa entablado kung hindi mismo ang pagsama sa kanila sa bawat pagod, luha, tagumpay, at panibagong simula.
Ngayong termino, ang pagiging lider ay hindi na lang tungkol sa titulo. Ito ay pagiging EduKasama, isang kakamping handang damayan ang mga estudyante. Dahil sa dulo ng bawat proyekto, panukala, at programaโang sentro ay sila.
Kaya sa terminong naniniwalang hindi sapat na maging boses lang ng mga estudyante dapat ay laging kabilang at kasamaโABANTE ang magiging:
Isang EduKasama na hindi sumusuko.
Isang EduKasama na marunong makinig at umunawa.
Isang EduKasama na handang maging sandalan, tagapayo, kapatid, manggagamot, karpintero, at g**o sa oras ng pangangailangan.
Sama-samang aabante, sama-samang lalaban, sama-samang maninindigan, at sama-samang uunlad.
ABANTE, ESTUDYANTE!
Photo credits sa mga orihinal na may-ari ng mga larawang ginamit.
Approved by: TARLAC STATE UNIVERSITY โ COMMITTEE ON STUDENT ELECTIONS