Provincial Government of Tarlac

Provincial Government of Tarlac Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Government of Tarlac, Government Official, Provincial Capitol Building, Capitol Site Street, Tarlac City, Tarlac, Tarlac.

Nagtapos man ang buwan ng Mayo, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ngayong Hunyo!🤗✨Muli nating balikan ang mga nag-uumapaw ...
02/06/2026

Nagtapos man ang buwan ng Mayo, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ngayong Hunyo!🤗✨

Muli nating balikan ang mga nag-uumapaw sa kalinga at dedikasyon na mga aktibidad na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, katuwang si Vice Governor Lita Aquino, para sa bawat Tarlaqueño nitong nakalipas na buwan ng Mayo.

Ang bawat aktibidad na naisagawa ay sumasalamin sa hindi nagmamaliw na pangarap ng pamahalaan upang mas mapaunlad ang lalawigan ng Tarlac.



35th NLABC, Opisyal na Sinimulan sa TarlacSinimulan ngayong araw, Hunyo 2, ang dalawang araw na 35th North Luzon Area Bu...
02/06/2026

35th NLABC, Opisyal na Sinimulan sa Tarlac

Sinimulan ngayong araw, Hunyo 2, ang dalawang araw na 35th North Luzon Area Business Conference (NLABC) sa Bulwagang Kanlahi, Diwa ng Tarlac.

Sa temang “North Luzon Now: Stronger in Inclusivity and Sustainable Prosperity,” ang prestihiyosong aktibidad na ito ay nakatutok sa inklusibong paglago at pagpapanatiling kaunlaran ng rehiyon. Ito ay isang taunang kombensiyon na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na may layuning pagyamanin ang kolaborasyong pang-ekonomiya sa rehiyon, palakasin ang mga lokal na negosyante, at ihanay ang mga estratehiya ng publiko-pribado sa Rehiyon I, II, III, at ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Ang alyansang ito ng pribadong sektor at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, ay isang katunayan sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa negosyo at pamumuhunan habang binibigyang halaga ang pag-unlad ng bawat Tarlaqueño.



Apat na Araw ng CBDRP Basic Training, Pormal na InumpisahanPormal na inumpisahan ang apat na araw na pagsasanay sa "Roll...
01/06/2026

Apat na Araw ng CBDRP Basic Training, Pormal na Inumpisahan

Pormal na inumpisahan ang apat na araw na pagsasanay sa "Roll-out of Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Basic Training" na gaganapin hanggang Hunyo 4 sa Tarlac Capitol Center.

Ang unang araw ng aktibidad ay nakatutok sa KKDK Training o ang "Katatagan, Kalusugan at Damayan ng Komunidad" na naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman sa mga tagapagsanay ng tamang pamamahala at pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Bukod sa mahahalagang paksa ng talakayan para sa unang araw, naging bahagi sa unang araw ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Tarlac ukol sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) matters, at si Provincial Officer Jigger B. Juniller ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Tarlac para sa mga kinakailangan sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDR).

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng malawak na adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, kaagapay si Vice Governor Lita Aquino, upang maisulong ang mas malakas na programang pangrehabilitasyon sa lalawigan.



1,573 na Mag-aaral ng Day Care, Tumanggap ng Libreng School Supplies 🎒🌂Personal na pinangunahan ni Governor Christian Ya...
01/06/2026

1,573 na Mag-aaral ng Day Care, Tumanggap ng Libreng School Supplies 🎒🌂

Personal na pinangunahan ni Governor Christian Yap ang pamamahagi ng mga kagamitang pampaaralan ngayong araw, Hunyo 1, sa Camiling Sports Complex.

May kabuuang 1,573 na mga mag-aaral ng day care mula sa iba't ibang barangay sa bayan ng Camiling ang napuno ng galak at taos-pusong pasasalamat sa mga kagamitang natanggap.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad si Vice Governor Lita Aquino, kasama sina Board Members Pearl Pacada at Luke Corinth Pagarigan, na nagpakita ng kanilang buong suporta sa mga programang pangkabataan ng probinsya.

Ang mga kagamitang pampaaralan ay magiging kapaki-pakinabang upang mabawasan ang gastusin ng kanilang mga magulang at maipakita ang pamumuhunan sa kinabukasan ng mga kabataang Tarlaqueño.



Unang Flag Raising Ceremony ngayong Hunyo 🇵🇭✨Isinagawa ngayong araw ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Hun...
01/06/2026

Unang Flag Raising Ceremony ngayong Hunyo 🇵🇭✨

Isinagawa ngayong araw ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Hunyo sa Bulwagang Kanlahi.

Dinaluhan ito ng mga empleyado ng pamahalaan, kasama ang pinuno ng kanilang mga departamento, upang muling manupa sa serbisyong kanilang ihahandog sa bawat Tarlaqueño.

Ito ay lingguhang ginaganap bilang tanda ng dedikasyon ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, kaagapay si Vice Governor Lita Aquino, sa serbisyong panlipunan para sa mas ikalalago ng buong probinsya.



01/06/2026
01/06/2026

PAYONG MAYAP

Hosted by: Jojo Pascual & Atty. Brille

Disclaimer:

No copyright infringement is intended. We do not own nor claim to own the rights to any of the audio/music shared.

01/06/2026

Pagdiriwang na may kalinga 🫶🫂

Dinagsa ng mga Tarlaqueño ang ginanap na libreng serbisyong medikal noong ika-29 Mayo sa Bulwagang Kanlahi bilang isa sa mga makabuluhang aktibidad sa pagdiriwang ng ika-153 na Araw ng Lalawigan.

Bukod pa rito, namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, katuwang si Vice Governor Lita Aquino, ng mga bagong wheelchair.



31/05/2026

Hiyawan at kulitan ang naging eksena sa ginanap na Laro ng Lahi sa Maria Cristina Park noong ika-29 ng Mayo na nilahukan ng maliliksing mga bata ng probinsya. 🏃🫶

Sa pamumuno ni Gov. Christian Yap, katuwang si Vice Gov. Lita Aquino, at sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac ng mga bagong tsinelas at masustansyang pagkain para sa mga bata. 💙✨



30/05/2026

Matapos ang nakapanlulumong pagguho ng isang tinitayong 9-storey building sa Balibago, Angeles City, Pampanga noong madaling araw ng ika-24 ng Mayo, agarang nagbigay ng suporta at tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac upang mas mapabilis ang search and rescue operation.

Alinsunod sa direktiba ni Governor Christian Yap, nagpaabot ng humanitarian assistance ang lalawigan, sa pamamagitan ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), para sa mga rumerespondeng team ng Angeles City. Patuloy naman ang pagbibigay ng suporta ng Tarlac hangga't hindi natatapos ang operasyon upang matiyak na may karagdagang puwersa sa pagsagip sa iba pang posibleng biktima.

Ito ay isang katibayan na walang hangganan ang serbisyong publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, sa oras ng trahedya at sakuna upang matiyak ang kaligtasan ng mga buhay na nakasasalay.



Address

Provincial Capitol Building, Capitol Site Street, Tarlac City, Tarlac
Tarlac
2300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Government of Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share