19/08/2026
Matagumpay na isinagawa ng Barangay Council ang pamamahagi ng food packs noong August 15, 2026, na naglalayong mag-abot ng tulong-pagkain sa 620 pamilya sa ating barangay.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinagsama-samang pondo at pagtutulungan mula sa sektor ng Senior Citizens, PWD, at ng Barangay Council.
Ang pamunuan ay patuloy na nakatutok sa pagbibigay ng tapat at maayos na serbisyo sa bawat mamamayan.