30/07/2026
📢 WALA KA BA SA LISTAHAN NG MGA MABIBIGYAN NG UPLIFT AYUDA?
DSWD Chief: Hindi galing sa DSWD ang listahan ng UPLIFT beneficiaries.
Nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Cash Assistance para sa Group 2 at Group 3 ay hindi ginawa o pinili ng DSWD.
Ayon sa Kalihim, ang listahan ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa resulta ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), kung saan natukoy ang kalagayan ng bawat kabahayan batay sa nakalap na datos.
Ang papel ng DSWD ay i-cross-match amang ang listahang ibinigay ng PSA upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa. Wala ring kapangyarihan ang DSWD na magdagdag o magtanggal ng pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo.
Dagdag pa ni Secretary Gatchalian, walang naging pakikialam ang sinumang politiko, opisyal, o Local Government Unit (LGU) sa pagpili ng mga benepisyaryo. Layunin nitong mapanatiling patas, transparent, at nakabatay sa opisyal na datos ang proseso.
📌 Paalala: Kung wala ang inyong pangalan sa listahan, hindi ito desisyon ng DSWD o ng inyong LGU. Ang batayan ay ang opisyal na datos mula sa PSA sa ilalim ng 2024 CBMS.
❤️