MSWDO San Jose, Tarlac

MSWDO San Jose, Tarlac Ang MSWDO San Jose,Tarlac ay ang opisyal na FBPage ng Municipal Social Welfare and Development Office

29/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Batay sa pinakahuling pag-iinspeksyon, ang Tagumbao Bridge ay nananatiling passable para lamang sa mga light vehicles, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan (heavy vehicles) bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat. Samantala, ang San Bartolome Bridge ay passable rin lamang para sa mga light vehicles.

Pinapayuhan ang mga motorista, lalo na ang mga nagmamaneho ng mabibigat na sasakyan, na gumamit ng mga alternatibong ruta at sundin ang mga umiiral na abiso at regulasyon.

Dahil sa patuloy na pag-ulan, inaanyayahan din ang lahat na mag-ingat sa pagmamaneho. Maghinay-hinay sa kalsada, panatilihin ang ligtas na bilis, at manatiling alerto upang maiwasan ang anumang aksidente.

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ay nananatiling ating pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

29/08/2026

Kailyan, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Josenians ngayong panahon ng tag-ulan at mga inaasahang bagyo, ang LGU San Jose sa pamumuno ni Mayor Romeo Capitulo, ay nagpapaalala sa lahat na manatiling alerto, handa, at nakatutok sa mga opisyal na ulat-panahon.

Sa oras ng emergency o anumang sakuna, agad na makipag-ugnayan sa ating mga nakahandang responder:

๐Ÿšจ MDRRMO San Jose
๐Ÿ“ฑ Mobile: 0931-213-4221 / 0947-441-1844

๐Ÿš” PNP San Jose
๐Ÿ“ฑ Mobile: 0908-320-7076

๐Ÿš’ BFP San Jose
๐Ÿ“ฑ Mobile: 0929-824-5437

Ang inyong kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad. Manatili tayong ligtas at alerto! โ˜”๏ธ

๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ! ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™…๐™Š๐™Ž๐™€ ๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™ ๐™Š๐™‰๐™€! ๐ŸŒฟ๐Ÿ†


29/08/2026

โš ๏ธ FAKE NEWS!
Walang katotohanan ang kumakalat na mensaheng ito tungkol sa Balog-Balog Dam. Huwag mag-panic at huwag basta mag-share ng hindi beripikadong impormasyon. Manatiling alerto at umasa lamang sa opisyal na anunsyo.

๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ! ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™…๐™Š๐™Ž๐™€ ๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™ ๐™Š๐™‰๐™€! ๐ŸŒฟ๐Ÿ†


29/08/2026

โš ๏ธ PUBLIC ADVISORY: LUBIGAN BRIDGE IS STILL PASSABLE โš ๏ธ

โ€‹Ipinag-bibigay-alam po sa lahat ng ating mga kababayan na ang Lubigan Bridge ay MAAARI PA RING DAANAN (STILL PASSABLE) sa kasalukuyan sa kabila ng pagtaas ng lebel ng tubig.

PINAPAYAGAN:
โ€ข Light vehicles ( mga pribadong kotse, motorsiklo, tricycle at iba pa.)
* Unloaded trucks o mga trak na walang karga.

HINDI PINAPAYAGAN (RESTRICTED)
โ€ข Hindi pinapayagan ang mga truck na may kargang higit sa 5 metric tons per axle.
โ€ข Bawal din ang mga trailer truck dahil sa kanilang haba.

Gayunpaman, pinapayuhan ang lahat na mag-ingat nang husto sa pagdaan, magdahan-dahan sa pagmamaneho, at manatiling nakatutok sa ating opisyal na pahina para sa mga agarang update.

โ€‹Mag-ingat po ang lahat sa pagbiyahe!


29/08/2026

Mga kababayang Tarlaqueรฑo, lalo na po sa ating mga residente sa San Isidro, Tibag, at mga karatig-barangay, alam po natin ang hirap ng sitwasyon dahil sa masamang panahon.

Para sa mga kailangang makaalis at stranded, bukas po ang tanggapan ng UP Tarlac/Tarlac Center for Learning and Skills Success para pansamantalang matuluyan habang patuloy ang masamang panahon. Huwag na po nating ipagsapalaran ang inyong kaligtasan.

Kung kinakailangan, maaari po kayong magtungo dito at humingi ng tulong. Patuloy din ang ating koordinasyon sa mga barangay at mga kinauukulang tanggapan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Mag-ingat po tayong lahat. Unahin natin ang kaligtasan. ๐Ÿ™

06/08/2026

P O S T P O N E D po mun schedule natin para sa
DSWD UPLIFT Pay out sa August 7, 2026 (Friday) dahil sa lagay ng panahon. Para po matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Magbibigay po ng panibagong schedule ang DSWD para po sa Pay Out

Katulad po ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos sa nakaraang SONA, sinimulan na po nila ang implementasyon ng Unif...
31/07/2026

Katulad po ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos sa nakaraang SONA, sinimulan na po nila ang implementasyon ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transportation (UPLIFT) Assistance ng Pamahalaang Nasyunal bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Mahalagang paalala mula sa DSWD: HINDI po ina-apply-an ang UPLIFT Assistance.
Ang mga benepisyaryo ay AUTOMATIC na tinutukoy ng Pamahalaang Nasyunal (PSA) batay sa kanilang itinakdang pamantayan.

Three (3) groups lamang ang maaaring makatanggap ng tulong:
โœ… Group 1 โ€“ 4Ps at Walang Gutom Program households. Naipamahagi na ang kanilang ONE-TIME ONLY โ‚ฑ2,000.00 assistance.

โœ… Group 2 โ€“ mahihirap at near-poor households (hanggang 25% above the poverty threshold), batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Economy, Planning, & Development (DEPDev).
Tatanggap sila mula sa Pamahalaang Nasyonal o DSWD ng โ‚ฑ2,000.00 kada buwan - thru MANUAL PAYOUT ngayong July at sa mapipiling DIGITAL payment mode sa mga susunod na buwan hanggang December 2026.

โœ… Group 3 โ€“ low-income workers at kanilang mga pamilya na nasa talaan ng Social Security System (SSS). Tatanggap din sila ng โ‚ฑ2,000.00 kada buwan mula July hanggang December 2026 mula po ulit sa DSWD.

Narilto sa Link ang listahan ng mga napabilang sa UPLIFT Program dito po sa bayan ng San Jose, Tarlac โฌ‡โฌ‡โฌ‡

https://docs.google.com/spreadsheets/d/1rACjEPdad_5Q0Z8ons6kfgFOHXHgguMo/edit?gid=240856647 =240856647

31/07/2026

Address

Villa Aglipay, San Jose
Tarlac
2318

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Telephone

+639302170495

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO San Jose, Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSWDO San Jose, Tarlac:

Shortcuts

Share

Category