03/09/2026
TOP 2 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO NG TARLAC PNP SA BAMBAN
Camp General Francisco S. Macabulos, Tarlac City β Matagumpay na naaresto Tracker Team ng 1st Provincial Mobile Force Company, katuwang ang mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station, Police Station 3 ACPO, at RIU3 PIT-Tarlac ang isang 36-taong gulang na lalaki na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level, dakong 1:15 ng hapon, Setyembre 3, 2026, sa Bamban, Tarlac.
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nakasampa sa criminal case no. CT19-8042. Na inilabas at nilagdaan ni Hon. Franco Exequiel Manuel Sales Javier, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 109, Capas, Tarlac, na may petsang Agosto 3, 2026, at may inirekomendang piyansa na Php200,000.00.
βAng matagumpay na pagkakaaresto ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Tarlac PNP na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at tiyaking mananagot sa batas ang mga wanted na indibidwal, lalo na ang mga itinuturing na prayoridad ng kapulisan.β ayon kay PCOL Harry R. Lorenzo III, Provincial Director, Tarlac PPO. # # #