23/09/2026
Isang karangalan para sa Bayan ng Ramos, Tarlac ang pagkilala bilang National Nominee para sa Tatak KALAHI LGU Awards sa ginanap na 2026 Bayani Ka! cm Tatak KALAHI-CIDSS LGU Awards and Performance-Based Grant for Sustainability (PBGS) noong Setyembre 21–23 sa SM Sky Hall, Bacolod City, Negros Occidental.
Ang pagkilalang ito ay para sa Construction of One Unit Daycare Center sa Barangay Guiteb isang community-driven project na naglalayong magbigay sa ating mga kabataan ng mas ligtas, maayos, at angkop na lugar para sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.
Masayang tinanggap ang pagkilalang ito ng ating butihing Mayor Celso Licuanan Banag, kasama si MSWDO Theresita Parayno, bilang kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Ramos.
Higit pa sa isang parangal, ang pagkilalang ito ay bunga ng sipag, dedikasyon, pagkakaisa, at pagtutulungan ng bawat lingkod-bayan at ng buong komunidad. Ang patuloy na tiwala at suporta ng mga Ramosenian sa ating Ama ng Bayan, Mayor Banag, ay nagsisilbing matatag na pundasyon sa patuloy na pagsasakatuparan ng mga programang naglalayong gawing mas progresibo, maunlad, at makabuluhan ang serbisyo para sa bawat mamamayan.
Ang bawat parangal na natatanggap ng Bayan ng Ramos ay hindi lamang tagumpay ng isang lider. Ito ay tagumpay ng bawat Ramosenian ng bawat kawani ng pamahalaan, bawat barangay, bawat organisasyon, at bawat mamamayang patuloy na nakikibahagi at naniniwala sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos.
Sa bawat proyekto, may komunidad na kumikilos.
Sa bawat tagumpay, may mga taong nagtutulungan.
At sa bawat pagkilala, buong Bayan ng Ramos ang ating ipinagmamalaki.
Hindi lamang ito achievement ni Mayor Banag, ITO AY TAGUMPAY NATING LAHAT!
Congratulations, Bayan ng Ramos!
Patuloy nating itaguyod ang tapat, sama-sama, at makabuluhang serbisyo publiko para sa bawat Ramosenian.