02/10/2026
TOP 4 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, TIMBOG SA LA PAZ, TARLAC
Camp General Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Naaresto ng mga tauhan ng La Paz Municipal Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Unit 3, PIT-Tarlac, ang 28 taong gulang na Top 4 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation dakong alas-11:00 ng umaga nitong Oktubre 2, 2026 sa La Paz, Tarlac.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 30 bilang ng Qualified Theft. Ang warrant ay inisyu noong Setyembre 23, 2026 ni Hon. Allene C. Torres-Peña, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 110, Tarlac City, na may kabuuang inirekomendang piyansa na Php952,000.00 para sa lahat ng kaso.
Ang akusado ay nasa kustodiya ng La Paz MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon kay PCOL HARRY R. LORENZO III, Provincial Director, “Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations at palalakasin ang koordinasyon ng bawat yunit upang matunton ang mga wanted persons at maiharap sila sa kaukulang proseso ng batas.” # # #