20/09/2026
Sa harap ng insidente ng karahasan sa mga paaralan, batid natin na kailangan ang mas maagap na aksyon—hindi lamang matapos ang insidente, kundi upang maiwasan ito.
Patuloy na pinaiigting ng DepEd ang mga polisiya at programang naglalayong protektahan ang bawat mag-aaral at ang buong school community.
Ngunit hindi ito kayang gawin ng isang ahensya lamang. Kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga ahensya, LGUs, paaralan, pamilya, at buong komunidad.
Kaya itinutulak ng DepEd ang Joint School Safety Task Force kasama ang DILG at PNP, upang palakasin ang koordinasyon at agarang tugunan ang mga safety gaps.