People's Law Enforcement Board-Tanza Cavite

People's Law Enforcement Board-Tanza Cavite Official page of PLEB Tanza

18/08/2026
18/08/2026

Alinsunod sa direktiba ni Governor Abeng Remulla, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Tanza bukas, August 19, 2026.

Dahil ito sa inaasahang pag-ulan dulot ng Tropical Depression Neneng at Southwest Monsoon o Habagat, batay sa weather forecast ng PAGASA. Gamitin natin ang alternative modes of learning upang hindi maputol ang pag-aaral ng ating mga kabataan.
Unahin natin ang kaligtasan ng lahat. Mag-ingat tayong lahat, mga Tanzeño.


17/08/2026

Para sa kaligtasan ng mga Tanzeño, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Tanza bukas, August 18, 2026, sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro.

Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, batay sa weather forecast ng PAGASA. Pinapayuhan ang mga paaralan na ipatupad ang alternative modes of learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang inuuna ang kaligtasan ng mga kabataan.



09/08/2026

Suspendido ang klase bukas, August 10, 2026, sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Muling pinapayuhan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang lahat ng Tanzeño na manatiling mag-ingat at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa mga susunod pang abiso at mahahalagang impormasyon.



04/08/2026

Dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan na pinalakas ng LPA ng dating Bagyong Luis, suspendido ang lahat ng panghapon na klase simula alas-12 ng tanghali, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Tanza ngayong Martes, August 4, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa iba pang impormasyon at abiso.


10/07/2026

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗧𝗨𝗥𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦
Dahil sa patuloy na pag-ulan at hanging dulot ng Habagat ay ating kinakansela ang pasok bukas, July 11, 2026, para sa lahat ng may Saturday classes sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lahat ng antas sa Bayan ng Tanza.

Mag-ingat ang lahat at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Tanza at PAGASA.



21/06/2026
11/06/2026

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ipinapaabot ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang kanyang pagpupugay sa lahat ng bayaning nag-alay ng kanilang buhay at sakripisyo upang makamit ng ating bansa ang kalayaan.

Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza na magsilbing inspirasyon ang kanilang katapangan at pagmamahal sa bayan upang pahalagahan ang kalayaan na ating tinatamasa. Maligayang ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, mga Tanzeño!



Address

2nd Floor DILG Building, Municipal Compound, Brgy. Daang Amaya III, Cavite
Tanza
4108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when People's Law Enforcement Board-Tanza Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share