14/04/2026
Hatid ng Pamahalaang Bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang Malasakit Caravan: Anti-Rabies Vaccination sa April 15, 2026, na gaganapin sa Amaya Breeze Covered Court simula alas-7:00 ng umaga.
Ito ay upang magkaroon ng maayos na kalusugan ang mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies. Inaanyayahan ang lahat ng residente na dalhin ang kanilang mga aso at pusa at makiisa sa programang ito.