01/01/2024
ππππππ ππππ ππππ πππ πππππ!
Iba talaga ang saya pag magkakasama ang bawat pamilya, kaya mapalad po tayo na muling maimbitahang dumalo sa taunang Year End Party ng Estole Clan sa may Sitio Silangan St.
Nakasama po natin dito ang ating butihing Konsehal Benjie Estole, Kagawad Joe Manilla kasama din natin ang ating SK-Kagawad Railey Cenizal.
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa mga bumubuo ng Estole Clan dahil kahit noong hindi pa ako SK-Chairman at walang-wala pa ako ay taon-taon niyo na akong iniimbitahan sa inyong bawat selebrasyon. Makakaasa po kayo na patuloy lang po akong tutulong at susuporta sa inyo sa panahon ng pangangailangan.