08/05/2026
Launching of Project Safe Haven Tanza
STAND! SPEAK! SHIELD!
Pormal nang inilunsad ang Project Safe Haven, ang anti-bullying campaign sa bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo B. Matro sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Liga ng mga Barangay, Sangguniang Kabataan, at ibaβt ibang mga sektor .
Pinangunahan ang nasabing launching ni Municipal Administrator Luisito V. Dela Cruz kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, Konsehal Sheryl Lyn Langit, Konsehal Ryan Mintu, at SKF President Patrick Arnold Bocalan. Nagbigay rin ng mensahe ng pagsuporta si Ms. Adela D. Villa, RN, RM, Provincial Health and Welness Program for PWD and Mental Health Program Manager.
Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Education na sina Dr. Diane Topacio, Dr. Josephine Monzaga, Dr. Edlyn Matreo, Dr. Ma. Jovi P. Legaspi, PSDS Tanza 2 at Dr. Helen Aure, PSDS Tanza 1. Nakiisa rin ang kinatawan ng Tanza Association of Private Schools na si Vice President Miaka Quinton.
Kasama rin sa pagtitipon ang mga Punong Barangay at SK Chairperson, mga school principal mula sa pampubliko at pribadong paaralan, Presidente ng Teachers and Employees Associations, Guidance counselors, Federation Parent and Teacher President, Municipal Chaplain, at mga kinatawan ng ibaβt ibang civil society organizations.
Pinasaya ng mga grupo ng kabataan ang launching sa pag-awit ng official jingle ng Project Safe Haven na nilikha ni John Corpuz. Ang nasabing awitin ay inawit at binigyang-buhay ng Amici Domi Band at sinayaw naman ng mga estudyante mula sa OLHRS Fiat Dance Company.
Layunin ng Project Safe Haven na maglunsad ng mga programa at inisyatiba upang wakasan ang anumang uri ng bullying o karahasan sa mga paaralan at barangay, at mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa bawat kabataan at buong komunidad. Sa pagtutulungan ng bawat isa, makakamit at mapapanatili natin ang isang bayan na ligtas at inklusibo para sa bawat Batang TanzeΓ±o.