4Ps Tantangan

4Ps Tantangan This Page will post inspiring stories and other related activities of 4Ps

PABATID: HINGGIL SA CREDITING NG UPLIFT PROGRAM ASSISTANCE PARA SA MGA KUWALIPIKADONG BENEPISYARYO NG 4PSAng crediting n...
20/07/2026

PABATID: HINGGIL SA CREDITING NG UPLIFT PROGRAM ASSISTANCE PARA SA MGA KUWALIPIKADONG BENEPISYARYO NG 4PS

Ang crediting ng UPLIFT Program Assistance para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay naka-schedule sa ika-20 at ika-21 ng Hulyo 2026, at maaaring ma-withdraw sa pamamagitan ng ATMs sa mga piling LANDBANK Servicing Branches at sa kanilang mga e-wallets.

Narito ang mga rehiyong kabilang sa crediting ng UPLIFT Program Assistance:

July 20, 2026
UPLIFT Program (LBP cash card accounts) — NCR, CAR, I, II, III, IV-A, MIMAROPA, V, VI, at VII
UPLIFT Program via e-wallets (GCash/MAYA) — CAR, CARAGA, 1, III, IV-A, MIMAROPA, NCR, V, VI, VIII, X, XI, at XII
July 21, 2026
UPLIFT Program (LBP cash card accounts) — VIII, IX, X, XI, XII, CARAGA, BARMM, at NIR
Para sa kumpletong listahan ng mga pinakamalapit na LANDBANK Servicing Branches sa inyong lugar, bisitahin lamang ang link na ito: https://bit.ly/3JvM1OL
Alamin ang wasto at sulit na paggamit ng iyong LANDBANK Cash Cards sa pamamagitan ng panonood ng reel na ito: https://www.facebook.com/reel/792897642680457

Upang masigurong tama at opisyal ang impormasyong natatanggap, palaging sumubaybay sa mga sumusunod na official page:

Pantawid Pamilyang Pilipino Program:
https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya
Landbank of the Philippines: https://www.facebook.com/landbankofficial
Department of Social Welfare and Development: https://www.facebook.com/dswdserves

Maraming salamat po!


19/07/2026

DSWD Chief: Hindi Galing sa DSWD ang Listahan ng UPLIFT Beneficiaries

Nilinaw ni DSWD Secretary REX Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance para sa Group 2 at 3 ay hindi galing sa DSWD. Ang listahan ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), kung saan isinagawa ang pagtukoy sa mga kabahayan at kung sino ang kabilang sa mga "poor" at "not poor" households.

Ayon sa Kalihim, ang tungkulin ng DSWD ay ang cross-matching ng listahang ibinigay ng PSA para matiyak ang tamang implementasyon ng tulong-pinansyal. Binigyang-diin din niya na walang kapangyarihan ang Kagawaran na magdagdag o mag-alis ng mga pangalan sa listahan.

Dagdag pa ni Secretary Gatchalian, walang naging pakikialam ang sinumang politiko, opisyal o local government unit (LGU) sa pagpili ng mga benepisyaryo para matiyak na ang proseso ay nananatiling patas at nakabatay sa opisyal na datos.

❤️

17/07/2026
19/06/2026

HAPPY FILIPINO SOCIAL WORKERS’ DAY!

Saludo kami sa lahat ng mga social workers na walang sawang naglilingkod, nagbibigay ng pag-asa, at nag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan. Sa likod ng bawat serbisyo, nariyan ang inyong malasakit, sakripisyo, at dedikasyon para sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat sa inyong malasakit at walang sawang paglilingkod.
Kayo ang tunay na haligi ng serbisyong panlipunan.

📣 ANNOUNCEMENT | SET 14 REGISTRATION SCHEDULE Magandang araw, mga benepisyaryo!Narito ang iskedyul para sa Set 14 Regist...
18/06/2026

📣 ANNOUNCEMENT | SET 14 REGISTRATION SCHEDULE

Magandang araw, mga benepisyaryo!

Narito ang iskedyul para sa Set 14 Registration:

📍 CLUSTER 1

Barangay: Cabuling, Dumadalig, Poblacion, Mangilala, at Magon

Date: June 19, 2026

Venue: 4Ps Tantangan Office, Tantangan, South Cotabato

📍 CLUSTER 2

Barangay: Bukay Pait, Libas, Maibo, New Lambunao, New Iloilo, San Felipe, at Tinongcop

Date: June 22, 2026

Venue: Bukay Pait Gymnasium, Tantangan, South Cotabato

📋 MGA DAPAT DALHING REQUIREMENTS:

✅ Birth Certificate
✅ Marriage Contract
✅ Death Certificate (para sa mga yumaong miyembro)
✅ PhilSys ID
✅ School Certificate / Valid School ID / Form 138 (para sa mga batang nasa edad na nag-aaral)
✅ Health Certificate (para sa mga buntis at/o mga batang edad 0–5 taong gulang)
✅ PWD ID at/o Medical Certificate (para sa mga miyembrong may kapansanan)

📌 Dalhin lamang ang mga dokumentong naaangkop sa inyong sambahayan at tiyaking malinaw at mababasa ang lahat ng dokumentong isusumite.

Maraming salamat!

Goodafternoon, may enrollment caravan po ang Golden State College po bukas. Nasa baba po ang detalye 🩷
20/05/2026

Goodafternoon, may enrollment caravan po ang Golden State College po bukas. Nasa baba po ang detalye 🩷

📲 From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! ✨Sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps — dahil siya ay laging...
13/05/2026

📲 From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! ✨

Sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps — dahil siya ay laging handang makinig at tumugon nang may malasakit. 💙

💬 Ang tampok na tanong this week:

“Bakit mga bata ang pangunahing tinutulungan sa 4Ps?”

👩‍💼 For your information, narito ang sagot ni Mrs. Caring diyan:

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” wika ni Dr. Jose Rizal—kaya naman sa mga bata namumuhunan ang 4Ps. Naniniwala ang programa na nasa mga bata ang susi sa mas maganda at mas matatag na kinabukasan ng bawat pamilya at komunidad.

Sa pamamagitan ng suporta sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, mas nabibigyan sila ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap at kalaunan ay maputol ang siklo ng kahirapan na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Kaya naman goal ng programa na ang mga bata ay:

✔️ makapag-aral;
✔️ regular na makapagpa-check-up; at
✔️ mabigyan ng tamang nutrisyon at bakuna.

Sa pamamagitan nito, mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at hindi na maranasan ang parehong kahirapan na minana pa mula sa mga nakaraang henerasyon.

Para ma-achieve ito, may mga kondisyon o co-responsibilities na kailangang tuparin ng pamilya sa ilalim ng 4Ps, tulad ng:

📚 hindi bababa sa 80% school attendance ng mga bata;
🩺 pagdalo sa health check-ups at immunization;
👨‍👩‍👧 pagdalo ng magulang sa Family Development Sessions (FDS), kung saan itinuturo ang tamang gabay sa pagpapalaki ng anak at pamamahala ng pamilya.

Tandaan: kung hindi natutupad ang mga kondisyong ito na nagpapabuti sa kalagayan ng mga bata, maaaring mabawasan ang tulong-pinansyal o ma-suspend ang pag-release ng grants, alinsunod sa mga patakaran ng programa. Ito ay upang matiyak na ang benepisyo ay talagang napupunta sa layunin nitong mapaunlad ang pamilya, lalo na ng mga bata. ⚠️

Ibig sabihin, ang 4Ps ay hindi panandalian o paulit-ulit na ayuda—ito ay investment sa edukasyon, kalusugan, at kinabukasan para sa pangmatagalang pag-angat ng pamilya.

✨ May gustong malaman tungkol sa 4Ps? Si Mrs. Caring na ang bahalang magbahagi ng impormasyong dapat ninyong malaman, mga Ka-4Ps!

📢 Patuloy na tumutok sa official page ng 4Ps para sa timely at accurate na impormasyon at updates!

10/05/2026

HAPPY MOTHER’s DAY!

Pagpupugay mula sa DSWD FO XII sa lahat ng mga ina na patuloy na nagsisilbing ilaw ng tahanan at inspirasyon ng bawat pamilya.

Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at malasakit para sa inyong mga mahal sa buhay at komunidad.

♥️

06/05/2026

𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗡𝗘𝗪𝗦! ✅ Naaprubahan na sa third and final reading sa House of Representatives ang isinusulong nating 𝗘𝘅𝗽𝗮𝗻𝗱𝗲𝗱 𝟰𝗣𝘀 𝗕𝗶𝗹𝗹 (𝗛𝗕 𝟴𝟲𝟰𝟳).

Mga kababayan, malaking hakbang ito para sa mas matibay na suporta sa ating mga pamilyang Pilipino. Katuparan ito ng pangarap ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa isang Bagong Pilipinas.

Gusto ng ating Pangulo na ang bawat pamilya ay may kakayahang tumayo sa sariling mga paa. Gaya ng lagi niyang paalala sa atin, ang 4Ps ay hindi lang basta "hand-out"... ito ay 𝗽𝘂𝗵𝘂𝗻𝗮𝗻 natin para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Ano-ano nga ba ang mga magandang pagbabago sa ating ?

✅ 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗗𝗮𝘆𝘀: May dagdag-suporta para sa mga buntis at mga sanggol. Mahalaga ito para masiguradong malusog ang bata simula pa lang sa sinapupunan.

✅ 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗖𝗮𝘀𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁: Sa ilalim ng bagong bill, mas palalakasin ang pag-gabay ng ating mga Social Workers para masiguradong ang bawat pamilya ay may malinaw na plano patungo sa pag-unlad at matagumpay na pag-graduate mula sa programa.

✅ 𝗜𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: Itataas din ang monthly cash assistance para sa elementary, junior high, at senior high. Suportado natin ang pangarap ng bawat batang Pilipino na makatapos ng pag-aaral.

✅ 𝗠𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴: Required na ang entrepreneurship at livelihood training para sa mga magulang. Hindi lang tayo nagbibigay ng pinansyal na tulong, tinuturuan din natin silang magkaroon ng sariling kabuhayan.

Salamat sa ating mga taxpayers dahil sa inyo, mahigit 1.4 million families na ang matagumpay na nag-graduate sa programa! Mas pagbubutihin pa natin ang pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino. 🙏🏼

Malaking panalo na ito sa Kamara… looking forward tayo sa susunod na hakbang sa Senado hanggang sa tuluyan na itong maging ganap na batas.

𝗨𝗻𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗳𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟮?Ang Lifeline Extension Act of 2022 o ang Republic Act 11552 usa ka balaod nga gapalawig sa...
28/04/2026

𝗨𝗻𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗳𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟮?

Ang Lifeline Extension Act of 2022 o ang Republic Act 11552 usa ka balaod nga gapalawig sa pagpatuman sa socialized pricing mehcanism alang sa mga kabus nga nagkonsumo og kuryente.

Kaniadto, 20 ka tuig lang, karon, 50 na ka tuig.

Ilalom sa balaod, target niini ang 4Ps ug mga kabus nga dili sakop sa 4Ps nga gakonsumo og kuryente nga dili molapas sa 100 kilowatt matag billing.

Aron makabenepisyo sa diskwento, kinahanglan magparehistro ang mga 4Ps ug kabus nga dili sakop sa 4Ps ngadto sa electric cooperative nga nag-supply kanila og kuryente.

Nagpasabot nga dili automatic ihatag ang diskwento ug dili tanan sakop sa 4Ps maka-diskwento.

Giklaro usab sa balaod nga dili libre ang pagkonsumo sa kuryente alang sa mga sakop sa 4Ps ug sa tanang kabus nga dili sakop sa 4Ps.

Alang sa dugang pangutana, duol sa inyong mga electric cooperative.

Daghang salamat.
==





Address

Tantangan
9510

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps Tantangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category