04/09/2026
Ang Kanlungan para sa Nakatatanda ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong ika-24 ng Agosto 2026, na nakatuon sa temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Tampok sa programa ang paligsahan sa pag-awit na kung saan naghandog ang mga piling residente ng mga awitin mula sa iba't ibang katutubong wika ng bansa. Bukod pa rito, upang iparada ang kanilang mga pananamit, ibinida ng mga piling kawani at residente ang kani-kanilang magagandang pambansang kasuotan.
Ang okasyong ito ay isang matibay na patunay na sa bawat salitang pumupulas sa ating mga labi, itinataguyod natin ang ating sariling pagkakakilanlan. Sa gitna ng mabilis na pagbabago at pag-unlad ng mundo, ang wikang Filipino ay patuloy na sumasabay sa agos ng modernisasyon—nagsisilbing mabisa at makapangyarihang kasangkapan sa diskurso, akademya, at iba pang larangan. Bukod dito, ito ay nagiging bukal ng inspirasyon upang ang bawat henerasyon, lalo na ang ating mga nakatatanda, ay patuloy na magkaroon ng karangalan sa pagtataguyod ng ating Wikang Pambansa.
(Ulat galing kay: K. Layusa)