21/05/2026
๐ข ๐๐ก๐จ๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ช๐๐ช๐
Una sa lahat, nais po naming magpasalamat sa patuloy ninyong suporta, pakikiisa, at pakikibahagi sa mga programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa. Malaki po ang naging bahagi ng bawat isa upang maging matagumpay ang mga aktibidad na ating naisagawa sa mga nakaraang taon.
Kaugnay po nito, nais naming ipabatid na hindi muna magkakaroon ng Summer League ngayong taon 2026. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at suporta sa desisyong ito. Sa nakaraang dalawang taon, naging matagumpay at masaya ang ating mga naisagawang Summer League dahil sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa.
Gayunpaman, magkakaroon pa rin po ng mga exhibition games o week-long league bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan bago matapos ang termino ng kasalukuyang Sangguniang Kabataan.
Bukod sa mga programang pampalakasan at sports activities, patuloy ding nagsagawa ang kasalukuyang Sangguniang Kabataan ng ibaโt ibang proyekto para sa komunidad. Kabilang dito ang pagtulong sa enhancement ng school stage ng Wawa National High School sa pamamagitan ng pagbibigay ng pintura, semento, at iba pang kagamitan bago ang kanilang moving up ceremony noong Marso, gayundin ang pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Wawa Elementary School.
Dagdag pa rito, sa darating na pista ng Barangay Wawa, makikiisa rin ang SK sa pagbibigay ng cash prize para sa โWawa Got Talentโ bilang suporta sa pagpapakita at pagpapaunlad ng talento ng ating mga kabarangay at kabataan.
Ngayong taon 2026, mas nakatuon naman ang mga proyekto ng SK sa mga long-term goals na mas makikinabang ang buong barangay. Isa sa mga isinusulong ngayon ay ang pagkakaroon ng updated house number plates na ipamamahagi sa bawat tahanan bilang bahagi ng pagpapabuti ng pagkakakilanlan at kaayusan sa ating komunidad.
Muli, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pang-unawa, at pakikiisa. Nawaโy patuloy nating suportahan hindi lamang ang kasalukuyang Sangguniang Kabataan kundi pati na rin ang susunod na mga lider ng kabataan ng ating barangay.
Ps. See comment
๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ช๐ฎ๐๐ฎ. ๐