05/06/2026
π’ MAHALAGANG PABATID
UGNAYAN SA BARANGAY
π Petsa: Hunyo 9, 2026 (Martes)
β° Oras: 9:00 ng umaga
π Lugar: Barangay Gymnasium
Isang malaking pagbati sa ating mga kabarangay!
Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa isang mahalagang pagpupulong ukol sa RSCP-Support to the Barangay Development Program (SBDP). Ang programang ito ay may nakalaang pondo mula sa National Budget na gagamitin para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Bakit mahalagang dumalo? > Ang boses at opinyon ng bawat mamamayan ay lubos na kailangan. Sa pamamagitan ng konsultasyong ito, magkakasama nating tutukuyin kung anu-anong mga proyekto at programa ang dapat bigyang-prayoridad at higit na kinakailangan ng ating barangay.
Hinihikayat po namin ang bawat isa na maglaan ng oras at panahon. Ang inyong presensya at kooperasyon ang susi sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyektong ito.
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo!