12/09/2026
๐๐๐ 5 SCHOLARS, TIG-โฑ20,000 MULA SA BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM NI PANGULONG BONG-BONG MARCOS๐๐ป
Isang malaking tulong at oportunidad para sa kabataan!
Ikinagagalak nating ibahagi na limang (5) kwalipikadong mag-aaral mula sa ating barangay ang napili bilang mga benepisyaryo ng Bawat Barangay Makikinabang Program, na tatanggap ng โฑ20,000 bawat scholar, o kabuuang โฑ100,000 na educational assistance, na sina:
1. Maricris Leandro
2. Janelle Gonzales
3. Reynaldo Sardan Jr.
4. Kristina Bianca Copio
5. Glayden Dulay
Ang limang benepisyaryo ay pinili batay sa itinakdang kwalipikasyon at pamantayan ng programa, upang matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan at makikinabang dito.
Ang pagpili ay nakabatay sa pangangailangan, kwalipikasyon, at pagsunod sa itinakdang pamantayan ng programa. Ang โฑ20,000 na educational assistance bawat scholar ay malaking tulong upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral at mabawasan ang gastusing kinakaharap ng kanilang mga pamilya. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagkakataong ito upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at balang araw ay sila naman ang maging instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa ating komunidad.
Maraming salamat sa Bawat Barangay Makikinabang Program sa pagbibigay ng ganitong oportunidad sa ating mga kabataan. Tunay na kapag ang bawat barangay ay nabibigyan ng pagkakataong makinabang, mas maraming pangarap ang nabibigyan ng pagkakataong matupad ๐
Culiat,TalugtugNuevaEcija