19/06/2026
๐ Establishment ng SGC sa CIS: Isang Tagumpay ng Pagkakaisa
Buong galak nating ipinagdiriwang ang pagkilala sa Cinense Integrated School para sa Outstanding Accomplishment on the Establishment and Functionality of its School Governance Council (SGC).
Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating sama-samang pagsisikap, pagkakaisa, at matibay na pakikipagtulungan sa lahat ng bumubuo sa ating paaralan. Taos-puso nating kinikilala ang mahalagang ambag ni Sir Dennis Romano, dating punong-guro ng CIS, kasama ang mga SGC teacher coordinators, Barangay Council, LGU, Sangguniang Kabataan, parents, SPTA Officers at partner organizations na naging bahagi sa pagtataguyod ng matatag na pundasyon ng ating School Governance Council.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang parangal sa ating paaralan, kundi patunay na kapag tayo ay nagkakaisa, mas marami tayong nagagawang makabuluhan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at komunidad.
SGC, tagumpay na ating ipinagmamalaki;
Bunga ng pagtutulungan at layuning iisa lagi;
Sa pagkakaisa, mas mataas pa ang ating mararating;
CIS, patuloy na maglilingkod, magtatagumpay, at magbibigay-inspirasyon sa darating na panahon.
โจ๐๐