30/03/2026
Matagumpay na naisagawa ang Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) First Quarterly Meeting para sa taong 2026 sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Pananakahan noong Marso 30. Naging daan ang pagpupulong upang talakayin ang mga plano, programa, at inisyatiba na magpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan, sa tulong ng sama-samang partisipasyon ng mga miyembro at katuwang na ahensya.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at palitan ng ideya, napagtibay ang ugnayan ng pamahalaang lokal at mga kinatawan ng magsasaka at mangingisda upang mas mapabuti ang paghahatid ng serbisyo, suporta, at makabagong kaalaman na tutugon sa pangangailangan ng komunidad. Patuloy ang MAFC sa pagiging katuwang sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapatatag ng seguridad sa pagkain sa ating munisipalidad.