07/09/2026
TINGNAN | Ginanap ngayong araw ang Final Assessment for GULAYAN SA BARANGAY – HAPAG PROJECT sa Barangay Buco, Talisay, Batangas sa pamamahala ni Kgg. Reynaldo M. Casalme - Punong Barangay kasama ang Sangguniang Barangay at Functionaries sa Panguguna ng Municipal Agriculture Office katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).
HAPAG stands for Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay. Ito ay isang community-based na inisyatiba na nagtataguyod ng food security, tamang nutrisyon, environmental sustainability, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa pamamagitan ng pagtatatag at pagpapanatili ng mga gulayan.