Sangguniang Bayan ng Talisay

Sangguniang Bayan ng Talisay Sangguniang Bayan ng Talisay Batangas

31/03/2025
Maligayang Kaarawan sa ating Minamahal na Ama ng Bayan, Kagalang-galang Nestor De Castro Natanauan!
26/02/2025

Maligayang Kaarawan sa ating Minamahal na Ama ng Bayan, Kagalang-galang Nestor De Castro Natanauan!

Happy birthday to our very own Chairman of Committees on Appropriation, Finance, Ways and Means, Housing, and Land Utili...
26/01/2025

Happy birthday to our very own Chairman of Committees on Appropriation, Finance, Ways and Means, Housing, and Land Utilization, Hon. Henry C. De Leon.

Courtesy call of PMaj. El Cid Villanueva, Chief of Talisay Municipal Police Station, to the Honorable Sangguniang Bayan
13/01/2025

Courtesy call of PMaj. El Cid Villanueva, Chief of Talisay Municipal Police Station, to the Honorable Sangguniang Bayan

08/01/2025

Ang Facebook account po ni Kgg. Melody L. Luna ay na-hack. Anuman pong mensahe na inyong matatanggap ay huwag niyong paniniwalaan lalo't higit kung may hinihinging pera. Salamat po

Alinsunod sa Seksyon 333 ng Batas Republika Blg. 7160 o mas kilala sa tawag na Local Government Code, isinagawa ng Sangg...
08/01/2025

Alinsunod sa Seksyon 333 ng Batas Republika Blg. 7160 o mas kilala sa tawag na Local Government Code, isinagawa ng Sangguniang Bayan ang Review ng CY 2025 Barangay Annual Budget ng mga sumusunod na Barangay:

Brgy. Poblacion 3 - P 2,946,202.00
Brgy. Banga - P 7,642,909.00
Brgy. Quiling - P 8,250,583.00
Brgy. Miranda - P 4,300,437.91

Tinalakay dito ang mga nakalinyang programa at serbisyo ng mga Barangay para sa kanilang mga nasasakupan. Nagsilbing daan rin ang nasabing aktibidad upang maipabatid ng mga Barangay ang kanilang mga pangangailangan sa ating Pamahalaang Bayan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng Pangalawang Punongbayan Kgg. Francis M. Magsino at mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga Punong Barangay, Kagawad, Kalihim, at Ingat-Yaman ng mga nasabing Barangay.

Ang Sangguniang Bayan ng Talisay sa pamumuno ni Vice Mayor Patet Magsino ay lubos na nagpapasalamat kay Atty. King Colla...
18/12/2024

Ang Sangguniang Bayan ng Talisay sa pamumuno ni Vice Mayor Patet Magsino ay lubos na nagpapasalamat kay Atty. King Collantes sa ipinagkaloob nyang 136 na supot ng semento at 66 piraso ng plywood.

Ito ay ipinamahagi sa ilang mga pamilya na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Maraming salamat po Atty. King sa tulong na inyong ipinaabot sa ating mga kababayan at sa pagtitiwala sa Sangguniang Bayan ng Talisay sa pamamahagi nito.

Ginanap ang Unang Pampublikong Pagdinig ukol sa Panukalang Ordinansa na Kikilala at Magbibigay ng Cash Incentive sa atin...
11/12/2024

Ginanap ang Unang Pampublikong Pagdinig ukol sa Panukalang Ordinansa na Kikilala at Magbibigay ng Cash Incentive sa ating mga Octogenarian (80-89), Nonagenarian (90-99), at Centenarian (100 years old and above) na mga Senior Citizens.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga piling Department Heads ng Lokal na Pamahalaan na direktang may kaugnayan sa nasabing usapin, mga Pangulo at opisyales ng Senior Citizen ng bawat Barangay, mga Punong Barangay at Kalihim ng Barangay.

Ang nasabing pagdinig ay pinangunahan nina Kgg. Ma. Teresa M. Panghulan at Kgg. Henry C. De Leon na siyang mga pinuno ng Committee on Social Welfare at Committee on Finance.

Committee Hearing ukol sa Supplemental Budget ng Barangay Aya at Barangay Sampaloc.Ang inyong Sangguniang Bayan ay palag...
11/12/2024

Committee Hearing ukol sa Supplemental Budget ng Barangay Aya at Barangay Sampaloc.

Ang inyong Sangguniang Bayan ay palaging kaagapay ng mga Barangay.

Kasama ang Barangay Officials ng Quiling, isinagawa ngayong araw ng Sangguniang Bayan ang ocular inspection sa lugar na ...
06/12/2024

Kasama ang Barangay Officials ng Quiling, isinagawa ngayong araw ng Sangguniang Bayan ang ocular inspection sa lugar na pagtatayuan ng proyektong Trealva Phase 2.

Ang nasabing ocular inspection na pinanguhan ng Committee on Land Utilization sa pamumuno ni Kgg. Henry C. De Leon ay bahagi ng proseso sa pag-apruba sa application for development permit ng nasabing proyekto.

Mariing iginiit ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay sa pamunuan ng Highlands Prime Inc. ang slope protection, desilting, reforestation, at proper disposal of debris upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ngayong araw ay ginanap ang isang joint committee hearing na pinangunahan ng Committee on Social Welfare na pinamumunuan...
06/12/2024

Ngayong araw ay ginanap ang isang joint committee hearing na pinangunahan ng Committee on Social Welfare na pinamumunuan ni Kgg. Ma. Teresa M. Panghulan at Committee on Finance na pinamumunuan ni Kgg. Henry C. De Leon.

Hinggil ito sa panukalang ordinansa na magbibigay ng cash incentive sa ating mga Octogenarian (80-89 yrs old), Nonagenarian (90-99 yrs old), at Centenarian (100 yrs old and above) Senior Citizens.

Bilang pagtugon sa kanilang application for accreditation ay sumalang sa pagdinig ng Committee on Laws na pinamumunuan n...
06/12/2024

Bilang pagtugon sa kanilang application for accreditation ay sumalang sa pagdinig ng Committee on Laws na pinamumunuan ni Kgg. Melody L. Luna ang Asosasyon ng mga Barangay Kagawad (ABAKA).

Dumalo sa nasabing pagdinig ang pamunuan ng naturang asosasyon na pinangunguhan ni Kgg. Naida H. Panghulan.

Address

East Building, New Municipal Hall, Brgy. Tumaway, Batangas
Talisay
4220

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Talisay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share