Tina Zantua- Arevalo, DPA

Tina Zantua- Arevalo, DPA Public servant

Taos pusong pasasalamat, Brgy. Caawigan!Papalapit na nang papalapit ang halalan, ngunit sa bawat araw na lumilipas, lalo...
05/05/2025

Taos pusong pasasalamat, Brgy. Caawigan!

Papalapit na nang papalapit ang halalan, ngunit sa bawat araw na lumilipas, lalo pong tumitibay ang aking hangarin—ang ipaglaban kayo, ang pakinggan ang inyong mga kwento, at itaguyod ang adbokasiyang tunay na para sa bayan.

Sama-sama nating isulong ang tunay na pagbabago.💜💗

Muli po, maraming salamat Brgy. Sta. Cruz!Ang bawat ngiti at pakikipagkamay ninyo ang nagpapatibay sa aming panata: ang ...
03/05/2025

Muli po, maraming salamat Brgy. Sta. Cruz!

Ang bawat ngiti at pakikipagkamay ninyo ang nagpapatibay sa aming panata: ang maglingkod nang tapat at buong puso, hindi lang ngayong kampanya kundi habang kami’y inyo pang pinapakinggan at pinaniniwalaan.

28/04/2025

Bagong Talisay, Bagong Pag-asa! ⭐️☀️

Inihahandog ko po sa inyo ang mga platapormang nais kong ipatupad para sa bayan ng Talisay. Ang mga ito ay bunga ng masusing pag-aaral at pag-unawa sa mga kasalukuyang suliraning kinahaharap ng ating mga kababayan. Layunin ko pong maipahayag ang mga konkretong solusyon na sa aking pananaw ay makakatugon sa mga pangunahing isyu ng ating bayan.

Kung ako po ay papalaring mahalal bilang punong bayan, sisimulan ko agad ang pagpapatupad ng mga ito sa aking unang termino. Maaaring simple lamang pong tingnan ang mga platapormang ito, ngunit ako po’y naniniwala na malaki ang magiging epekto nito at tunay na makakatulong sa pag-angat ng kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Naniniwala po ako na upang makamit ang isang Bagong Talisay, kailangan natin ng mga solusyong Dalisay at may Saysay.

✅ MAAYOS NA PAMAMAHALA
Pagsusumikapang maabot ang:
- Seal of Good Local Governance & Financial Housekeeping.
- Itataas sa 3rd Class Municipality ang Talisay.
- Direktang ibibigay ang pondo sa barangay — walang bawas, walang lusot.
- Itataguyod ang isang transparent, responsive, at accountable na gobyerno.

✅ PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
- Libreng pagpapahiram ng ambulansya — walang bayad sa krudo o serbisyo
- Libreng gamot sa bawat Barangay Health Station.
- Taunang paglaan ng pondo para sa insentibo ng senior citizens na edad 80 at 90.

✅ PANGKABUHAYAN AT AGRIKULTURA
- Regular at tamang sahod para sa Job Order workers.
- Pondo at suporta para sa mga magsasaka, mangingisda, at nagtatanim.
- Palalakasin ang turismo at investments sa Talisay.

✅ BAYAN PAGLILINGKURAN
- Pagpapatupad ng "People’s Day" — isang programang gaganapin tuwing Lunes na nakalaan para direktang makausap at mapakinggan ang mga hinaing ng Talisaynon, upang agarang matugunan at mahanapan ng solusyon ng pamahalaang bayan ang kanilang mga problema.
- Drug-Free Municipality para sa ligtas at maayos na pamayanan.
- Konkretong solusyon sa problema sa basura at pagbaha.

✅ SUPORTA SA EDUKASYON
- Scholarship para sa mahihirap at deserving na estudyante.
- Balik-insentibo para sa mga g**o.
- Agarang pondo para sa Local School Board para sa mas maayos na edukasyon.

Sa maayos na pamamahala, serbisyong pangkalusugan, suporta sa kabuhayan at agrikultura, at pagtutok sa edukasyon—sisiguraduhin nating bawat Talisaynon ay maaalagaan at mabibigyan ng tunay na oportunidad para umasenso. Sama-sama nating itaguyod ang Talisay na may direksyon, malasakit, at tapang para sa pagbabago.

Ako po si Tina Arevalo, tumatakbong Ina ng ating bayan, at tinitiyak ko pong TINAtanaw ko nang may direksyon at dedikasyon ang kinabukasan ng ating bayan.

Maraming Salamat, Brgy. Gabon!💜💗Hindi po nakakasawang bumalik sa inyong barangay at makipagsalamuha sa inyo—ang inyo pon...
25/04/2025

Maraming Salamat, Brgy. Gabon!💜💗

Hindi po nakakasawang bumalik sa inyong barangay at makipagsalamuha sa inyo—ang inyo pong lugar ay may espesyal na lugar sa aking puso. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at tiwala. Asahan n'yo pong kasama po kayo sa ating TINAtanaw na tapat at magandang kinabukasan.

Mainit man ang panahon, mabigat man ang katawan, tuloy pa rin ang bawat hakbang. Dahil ang landas na tinatahak natin ay ...
24/04/2025

Mainit man ang panahon, mabigat man ang katawan, tuloy pa rin ang bawat hakbang. Dahil ang landas na tinatahak natin ay patungo sa TINAtamasa nating magandang kinabukasan.

Happy Thursday po sa lahat! 'Wag po nating kalimutang uminom ng tubig at magpahinga kung kinakailangan. 💜💗

[late upload]

Magandang araw po! Nakapagbakasyon na ba ang lahat? 😅 Tara't maglibot ulit tayo sa ating mga barangay—kahit tirik ang ar...
21/04/2025

Magandang araw po! Nakapagbakasyon na ba ang lahat? 😅

Tara't maglibot ulit tayo sa ating mga barangay—kahit tirik ang araw, tuloy ang serbisyo at pagkilos💜💗

[Late Upload]

Brgy. Itomang | Part TwoMaraming Salamat po sa lahat ng aming nakasalamuha sa araw na ito. Ariba lang po tayo sa araw-ar...
15/04/2025

Brgy. Itomang | Part Two

Maraming Salamat po sa lahat ng aming nakasalamuha sa araw na ito. Ariba lang po tayo sa araw-araw!💜💗

Address

Talisay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tina Zantua- Arevalo, DPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tina Zantua- Arevalo, DPA:

Share

Category