Brgy. Marcos District

Brgy. Marcos District Barangay Marcos District

Isang maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat mamamayan ng MARCOS DIST. Amin po kayong inaanyayahan na dumalo at m...
10/03/2026

Isang maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat mamamayan ng MARCOS DIST. Amin po kayong inaanyayahan na dumalo at makiisa sa gagawing Barangay Assemble sa Marso 21, 2026 sa ganap na alas 7 ng umaga sa atin pong Brgy. Hall.

Tanong: Ano po ba ang Barangay Assembly?
Sagot: Ang Barangay Assembly po ang siyang nagpapaliwanag kung anu-ano na po ba ang mga nagawang proyekto, establisyamento, kaayusan sa barangay pati na rin ang kapondohan at mga nakalatag pang pagawain sa ating barangay para sa ikabubuti ng bawat mamamayan nito.

Maaari rin po kayong magtanong na may kinalaman po sa kung papaano ang kasalukuyang namiminuno sa ating Barangay kung anu-ano pang hakbang nila para sa ikagaganda pa ng ating Barangay at para sa ikabubuti ng bawat isang mamamayan ng Marcos District.

Kaya po hinihikayat namin kayo na makilahok, makisali at maglaan ng kaunting oras para dito. Lahat po ay welcome, bata man o matanda, may ipin man o wala, babae man o lalaki ay malugod po namin kayong inaanyayahan. Kaya magkita kita po tayo sa araw at petsa ng ating Barangay Assembly.

Maraming salamat po!

PABATID po para sa lahat ng mamamayan ng Marcos District:Amin pong ipinababatid sa inyo ang mahigpit na pagpapatupad po ...
28/02/2026

PABATID po para sa lahat ng mamamayan ng Marcos District:

Amin pong ipinababatid sa inyo ang mahigpit na pagpapatupad po ng Municipal Ordinance No. 014-2010. Ito po ay may kaukulang multa sa mga sinumang lalabag sa nasabing ordinansa. Kung tunay pong mahal natin ang ating mga alaga ay dapat lamang po na mayroon din tayong malasakit sa ating kapwa tao. Mahal po ang magpagamot at mahirap din pong makaabala pa sa ating kapwa. Maraming maraming salamat po!

19/02/2026

Isang mapagpala at magandang araw po sa ating lahat! Sa atin pong mga kabarangay ay malugod po naming ibinabalita sa inyo na nasa Barangay Marcos District na po ang ROLLING STORE P20 na Bigas para sa Masa na Programa ng PROVINCIAL GOVENMENT GOV. OYIE MATIAS UMALI. Ang oras po ng pagpapatala ay sa ganap na 10:00 ng umaga. magdala lamang po ng valid ID. Kung mayroon pa po kayong ibang katanungan ay maaari po ninyong kausapin ang mga Konsehal/Kap na nakatalaga sa ating Brgy. Hall. Maraming maraming salamat po!

PARA SA KAALAMAN PO NG LAHAT‼ANG ATING BARANGAY PO AY MAGKAKAROON NG 2ND SEMESTER GENERAL BARANGAY ASSEMBLY 2025, PAG-UU...
11/10/2025

PARA SA KAALAMAN PO NG LAHAT‼

ANG ATING BARANGAY PO AY MAGKAKAROON NG 2ND SEMESTER GENERAL BARANGAY ASSEMBLY 2025, PAG-UULAT NG PONDO, ACCOMPLISHED PROJECT AT MGA ACCOMPLISHED ACTIVITIES NA GAGANAPIN SA IKA-25 NG OKTUBRE, ARAW NG SABADO , SA ORAS NA IKA-7 NG UMAGA ANG MGA EDAD 15 PATAAS PO AY INAANYAYAHANG DUMALO SA NASABING PANGBARANGAY NA PAG PUPULONG...ANG INYO PONG PAGDALO AY NAPAKAHALAGA... SALAMAT PO😊

25/08/2025

Mga Abangers,

Ang lalakas ninyo magdasal. Nag update ang Pagasa. Bukas damay na ang mga sumusunod:

Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Batangas
Cavite



📣 Tara na, mag-enroll na sa ALS! 📣Bagong pag-asa, bagong simula! ✨Inaanyayahan ang lahat na nangangarap makabalik sa pag...
20/08/2025

📣 Tara na, mag-enroll na sa ALS! 📣
Bagong pag-asa, bagong simula! ✨
Inaanyayahan ang lahat na nangangarap makabalik sa pag-aaral na mag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) this coming:
📅 August 27, 2025
📍 Andal Alinio Gym, Talavera, Nueva Ecija
🎓 Para sa mga gustong makapagtapos sa JHS & SHS sa pamamagitan ng ALS!

📝 Mga KAILANGAN dalhin sa araw ng ENROLLMENT:
1️⃣ JHS Form 137
➡️ (Para sa mga formal JHS completer)
➡️ (Kung JHS completer at nais mag-enroll sa ALS–SHS dapat ay 18 yrs old pataas)
2️⃣ AF–5 (Para sa ALS JHS completer)
3️⃣ Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
4️⃣ 2 pcs 2×2 picture, white background
💡 Huwag hayaang maging hadlang ang panahon sa pangarap mo!
📚 Balik-aral na para sa mas magandang kinabukasan!

Good Afternoon!Ang atin pong voters registration ay magsisimula sa august 1, 2025 hanggang August 10, 2025 sa opisina po...
30/07/2025

Good Afternoon!

Ang atin pong voters registration ay magsisimula sa august 1, 2025 hanggang August 10, 2025 sa opisina po ng comelec. Magdala po ng valid ID, at iphotocopy na po ang ID. Hindi po pwede ang barangay clearance/certificate. Hindi din po pwede ang employment ID at police clearance. NBI clearance po pwede.

May special satellite registration po on this dates:
August 5- waltermart. For senior citizens and vulnerable sectors
August 6- talavera national highschool for the youth
Meron din pong voter registration on those dates sa opisina ng comelec, sabay po sya.
Maraming Salamat po!

09/07/2025

Address

Barangay Marcos District
Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Marcos District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share