Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija

Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija We're here to SERVE!

Announcement!!!Tayo po ay mag kakaroon muli nang Assembly Meeting sa Ating Brgy. March 22, 20266:00pmBarangay GymInaanya...
19/03/2026

Announcement!!!

Tayo po ay mag kakaroon muli nang Assembly Meeting sa Ating Brgy.

March 22, 2026
6:00pm
Barangay Gym

Inaanyayahan po ang lahat na tayo ay dumalo sa ating pang lahatang pagpupulong. Ganon narin sa lahat nang kabataan dito sa ating Barangay.

Maraming Salamat po

20 pesos na bigas para sa mga Ka-Barangay natin dito sa CABUBULAUNAN. Mula sa ating Butihing Governor Aurelio Oyie Matia...
15/01/2026

20 pesos na bigas para sa mga Ka-Barangay natin dito sa CABUBULAUNAN.
Mula sa ating Butihing Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali .

Lubos po kaming nag papasalamat dahil hindi nyopo nakakalimutan na bigyan ng biyaya at sa mas murang halaga ng bigas ang amin pong Barangay. Malaking tulong po ito para sa amin.

Sabe nga sa inyong kanta " 20 pesos kayang-kaya dito sa Nueva Ecija, Di bale ng kaunti ang ulam basta may bigas sa hapag kainan"

Nawa po ay marami papo kayong matulungan na atin pong kababayan. ❤

Muli po maraming maraming SALAMAT, pag palain po kayo ng ating Poong May kapal ❤

09/11/2025
09/11/2025

𝑻𝑨𝑳𝑨𝑽𝑬𝑹𝑨 𝑾𝑬𝑨𝑻𝑯𝑬𝑹 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬 | 𝑵𝑶𝑽𝑬𝑴𝑩𝑬𝑹 9, 2025

Ayon sa DOST-PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 10 ukol sa Typhoon (as of 11:00 AM today),
ang Bayan ng Talavera ay itinaas na sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.

Patuloy po tayong maging maingat, alerto, at handa sa mga posibleng epekto ni Super Typhoon Uwan.

I-secure ang inyong tahanan, alamin ang mga ligtas na lugar, at manatiling updated sa mga opisyal na abiso.

👉 Para sa emergency o agarang tulong, makipag-ugnayan sa:
📞 MDRRMO Talavera Hotlines:
0915-568-6067 / 0953-509-3193 / 0955-891-8793
📲 page: MDRRM Talavera

Manatiling ligtas, Talaveraños. Sama-sama nating harapin ang hamon ng kalikasan nang may pag-iingat at pagkakaisa.

Source: DOST-PAGASA

Ang buong mamamayan ng Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija ay humahanga sa iyong kahusayan. Tunay nga na ikaw ay kara...
27/10/2025

Ang buong mamamayan ng Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija ay humahanga sa iyong kahusayan. Tunay nga na ikaw ay karapatdapat na tularan nang bawat kabataan na mayroon ding pangarap na gustong makamit.

Hindi hadlang ang pagsubok oh hamon sa buhay upang hindi makamit ang iyong pangarap, bagkus mag patuloy ka hanggang sa makamit mo ang nais mong pangarap.

Muli, malugod ka naming binabati sa iyong nakamit na tagumpay. BENJAMIN D. ONARSE JR

Isang Malugod na Pagbati! 🎉

Mainit na pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Talavera kay Benjamin D. Onarse Jr., RN, na ngayon ay isa na ring U.S. Registered Nurse matapos matagumpay na makapasa sa NCLEX-RN ng New York State Board of Nursing na ginanap noong October 24, 2025! 👩‍⚕️

Ang iyong tagumpay ay bunga ng dedikasyon, sakripisyo, at pusong handang maglingkod. Isa kang inspirasyon hindi lamang sa iyong pamilya, kundi sa buong bayan ng Talavera, na patuloy na nagbubukas ng landas para sa mga kabataang nangangarap na makamit ang kanilang propesyonal na hangarin.

Nawa’y patuloy mong dalhin ang husay at malasakit ng isang tunay na Talaveraño saan ka man dalhin ng iyong propesyon. 🙌

Mabuhay ka, Benjamin! Ipinagmamalaki ka ng Talavera! 💙💛❤️

Matagumpay na isinagawa ang Second Semester Brgy Assembly noong OCTOBER 25, 2025. na may temang “ARAW NANG PAKIKIBAHAGI ...
27/10/2025

Matagumpay na isinagawa ang Second Semester Brgy Assembly noong OCTOBER 25, 2025. na may temang “ARAW NANG PAKIKIBAHAGI SULOSYON AT AKSYON ATING TALAYAKIN NGAYONG BARANGAY ASSEMBLY”

Pinangunahan ang nasabing General Assembly nang isang panalangin na ginampanan ng isa sa mga kabataan nasi Marie Joy Hashimoto, at sinundan ng pambansang awit na kinumpasan ni Sk Kristian Manzano. Matapos ang panalangin at awitin ang pambansang awit ay isa isang pinakilala ang mga konsehal ng brgy, at nag bigay ng Mensahe ang ating Butihing Punong Barangay Kgg. Elvira Mamuyac .

Tinalakay dito ang mga concern at issue ng Barangay na kung saan ay sinagot lahat ng ating Punong Barangay Kgg. Elvira L. Mamuyac. Una nga dito ay ang MAINGAY na TAMBUTSO, mga alagang A*O at KAMBING na hindi naka tali, ang tamang pag tatapon ng BASURA, Curfew ng pag gamit VIDEOKE, at marami pang iba.

Kasama rin sa nag paliwanag patungkol sa maiingay na tambutso ang PNP Talavera, nakung saan binanggit ang multa sa mga mahuhulihan.

Kasunod nito ay binanggit din ang Pondo ng Barangay, at naging Project nito sa taong 2025. Isa na nga dito ang Installation of CCTV, dahil ang dating CCTV ng Baranga ay hindi inaasahang masira at mapasok ng tubig ang mga camera. Kayat minabuti ng ating Mga barangay Official sa pangunguna nang ating Punong Barangay na mag pakabit ng bago at dagdagan pa ang mga Camera sa Barangay. Pangalawa po ay ang pag lalagay ng Bakod sa Elementarya dito sa ating Barangay, upang mas sigurado ang seguridad nang bawat mag aaral dito sa Elementarya ng Cabubulaunan. Pangatlo po ay pag lalagay at pag sasaayos ng Day Care Center na kung saan ay nilagyan ng Tiles ang sahig ng Day Care Center.

Inulat din nang Ating Baranga Health Committee Kgg. Emily Manzano kasama ang mga BNS at BHW na tayo ay may dalawa case ng Dengue, kayat pakiusap ng ating Committee on Health ay linisan ang bawat paligid ng ating bakuran upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Matapos mag salita ang ating Health Committee ay nag paliwanag din ang ating SK CHAIRPERSON Kgg. Kristian Manzano sa naging Project at Up Coming project nito.

Sa pag tatapatos nang ating General Assembly ay muli namang nag pa raffle ang ating Punong Barangay, isa sa mga dumalo sa ating Assembly ay uuwing naka ngiti.


16/10/2025

Para sa kaalaman ng LAHAT.

Tayo po ay mag kakaroon muli ng Assembly Meeting sa OCTOBER 25, 2025 sa ganap na 6:00 ng Gabi. Dito sa ating Brgy Gym.

Inaasahan po namin ang lahat na tayo po ay maka dalo sa nasabing pag pupulong.

MARAMING SALAMAT PO

📣 Tara na, mag-enroll na sa ALS! 📣Bagong pag-asa, bagong simula! ✨Inaanyayahan ang lahat na nangangarap makabalik sa pag...
24/08/2025

📣 Tara na, mag-enroll na sa ALS! 📣
Bagong pag-asa, bagong simula! ✨
Inaanyayahan ang lahat na nangangarap makabalik sa pag-aaral na mag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) this coming:

📅 August 27, 2025
📍 Andal Alinio Gym, Talavera, Nueva Ecija
🎓 Para sa mga gustong makapagtapos sa JHS & SHS sa pamamagitan ng ALS!

📝 Mga KAILANGAN dalhin sa araw ng ENROLLMENT:
1️⃣ JHS Form 137
➡️ (Para sa mga formal JHS completer)
➡️ (Kung JHS completer at nais mag-enroll sa ALS–SHS dapat ay 18 yrs old pataas)
2️⃣ AF–5 (Para sa ALS JHS completer)
3️⃣ Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
4️⃣ 2 pcs 2×2 picture, white background
💡 Huwag hayaang maging hadlang ang panahon sa pangarap mo!
📚 Balik-aral na para sa mas magandang kinabukasan!

Para sa kaalaman ng lahat ng aming mga minamahal na Ka-Barangay!!!Kung sakaling meron pong pangyayari katulad nang*Aksid...
02/07/2025

Para sa kaalaman ng lahat ng aming mga minamahal na Ka-Barangay!!!

Kung sakaling meron pong pangyayari katulad nang

*Aksidente
*Sunog
*Away oh Gulo
*Pag nanakaw
*Pananakit

At iba pang BANTA sa inyong kalusugan at buhay.

Mang yari lamang po na tumawag sa Numerong 911 para sa agarang pagresppnde ng mga kinauukulan

Maraming Salamat po.

Address

Cabubulaunan
Talavera
3114

Opening Hours

Monday 7:30am - 5:30pm
Tuesday 7:30am - 5:30pm
Wednesday 7:30am - 5:30pm
Thursday 7:30am - 5:30pm
Friday 7:30am - 5:30pm
Saturday 7:30am - 5:30pm
Sunday 7:30am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy Cabubulaunan Talavera Nueva Ecija:

Share