01/06/2026
WHAT MONDAY SOUNDS LIKE 🔈🎧
✅Mga hinaing na pinakikinggan.
✅Mga kababayang lumalapit para humingi ng tulong.
✅Mga dokumentong inaasikaso.
✅Mga pagpupulong para sa mas maayos na serbisyo.
✅ Mga suliraning unti-unting nabibigyan ng solusyon.
Hindi man tahimik ang Lunes sa ating opisina, bawat araw ay pagkakataon upang mas marami tayong mapakinggan, matulungan, at mapagsilbihan.
Habang ang iba ay nagsisimula pa lamang ng linggo, may mga pamilyang umaasang maririnig ang kanilang hinaing at matutugunan ang kanilang pangangailangan. At para sa kanila, sulit ang bawat Lunes. 💙❤️💛