30/05/2026
Hii admin, please hide my identity po. Gusto ko lang po humingi ng advice Asawa po ako ng isang Marines kasal po kami. andyan na assign sa fort Bonifacio 3rd battalion. Mula pa po nung magka sintahan kami hanggang sa kinasal at nagka anak kami di parin siya nag bago, alam ko po normal na sa kanila ang pag inom pero iba siya e, kung lasing siya admin, di niya ako tinuturing Asawa para akong hayop sa kanya kung pag salitaan niya pag sabihan niya ng kung ano². Ilang taon na po ako nag titiis ng ganito pagod na ako mag antay sa pag babago niya, di ko naman po hiniling na tigilan niya pag Inom niya ang sakin lang wag na palagi at manggulo sakin pag maka inom siya. 4 na anak niya may dalaga at binata na siya sa una niyang babae pero tinanggap ko parin dahil di ko alam yun dati huli na nung nalaman ko, pero ok lang sakin tanggap ko mga anak niya magka sundo kami ng mga anak niya mababait sakin mga anak niya admin. Kaya pala malayo ang loob ng mga anak niya sa kanya dahil siguro sa ugaling meron siya. Mag 3 years na anak namin puro na lang siya pangako ni Isa sa mga pangako niya di niya tinupad admin. Walang third party naganap, pero tulad ng sabi nila nakaka ubos ng pasensya halos pinapatay niya ako sa tuwing naka inom siya. Pero pag di naka inom grabe ang bait niya Akala mo perpektong Asawa at ama sa mga anak niya, pati nanay niya admin pagod na sa ugali niya. Baka meron po maka advice dyan kung ano dapat kong gawin. Sa totoo lang kung ako lang talaga noon pa ako naki pag hiwalay, pero iniisip ko anak namin, kasi nakikita ko yung sitwasyon ng 3 niyang anak sa una niya babae nakaka awa uhaw na uhaw sa pagmamahal ng kanilang ama, pero walang pakealam ang ama nila dahil puro sarili niya lang iniisip niya puro bisyo niya lang walang na siyang iniisip na may nasasaktan dahil sa ginagawa niya importante sa kanya Masaya siya.
Maraming salamat admin😊
Marines & Navy Legal Wives Circle