07/09/2026
ππππππππ πππππ ππππππππππ ππππ π‘οΈ
Ang National Crime Prevention Week ay paalala sa ating lahat na ang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng mga awtoridad, kundi isang sama-samang tungkulin ng bawat mamamayan.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan, pakikiisa, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas at pagsugpo sa krimen, upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.
Bilang mga opisyal at kawani ng ating Pamahalaang Barangay, tungkulin at responsibilidad nating magpatupad ng mga ordinansa, polisiya, programa, at aktibidad na naglalayong mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kapakanan ng ating mga residente.
Sa pangunguna ng Barangay Safety and Public Order Department (BSPOD), patuloy nating pinaiigting ang mga regular na programa at aktibidad para sa pagpapanatili ng peace and order sa ating Barangay. Kasabay nito, nagsasagawa rin tayo ng ibaβt ibang programa para sa ibaβt ibang sektor ng ating komunidad, lalo na para sa mga kabataan, upang mahikayat silang maging aktibo, responsable, at bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran.
Binigyang-diin din ng ating Kapitan ngayong umaga sa ating Flag Ceremony ang kahalagahan ng mga mobile hotlines at landline ng Barangay na gumagana 24/7 upang agad na makapagbigay ng tugon at assistance sa mga residenteng nangangailangan.
Isa sa pinakamabisang paraan upang makatulong sa pag-iwas sa krimen ay ang pagiging mapagmatyag at responsable bilang isang mamamayan. Kung may mapansing kahina-hinalang tao, pangyayari, o aktibidad sa ating lugar, huwag mag-atubiling mag-report sa Barangay gamit ang ating mga official contact numbers upang agad itong ma-verify at maaksyunan ng ating mga Barangay Security Force (BSF).
Ang kaligtasan ng ating Barangay ay responsibilidad nating lahat.
Sama-sama nating panatilihin ang Barangay Central Signal Village na ligtas, maayos, at mapayapa para sa bawat isa. π‘οΈποΈποΈ