12/09/2024
Magandang araw po,
Mga Ka-Barangay Wawa, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magkakaroon ng Medical at Dental Mission in partnership with Chinese General Hospital (CGH) at Philippine Chinese Charitable Association Inc. (PCCAI). Ito ay sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitana Rosaley A. Buenaflor at mga kagawad.
Ang nasabing proyekto ay magbibigay ng mga sumusunod na libreng serbisyo:
- Libreng konsultasyon para sa mga bata at matandang pasyente
- Libreng bunot ng ipin
- Libreng eye check-up at pamimigay ng reading glasses at gamot
Sa mga nagnanais na magpatingin o magpa check-up maaari po lamang magtungo sa brgy. Hall upang makapag palista mula sa araw na ito hanggang bukas ng tanghali.
Ang nasabing medical at dental mission ay gaganapin sa ika-15 ng Setyembre, 2024 linggo sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang ika 12:00 ng tanghali sa Brgy. Multi Purpose Hall.