Brgy. Bagumbayan

Brgy. Bagumbayan OFFICIAL PAGE OF BARANGAY BAGUMBAYAN
TAGUIG CITY

Punong Barangay:
Kgg. Rovina "Jane" M. Santos

ANUNSYO | BUKAS NA MULI ANG PASO STREETMga ka-barangay, bukas na pong muli ang Paso Street para sa lahat ng motorista at...
05/09/2026

ANUNSYO | BUKAS NA MULI ANG PASO STREET

Mga ka-barangay, bukas na pong muli ang Paso Street para sa lahat ng motorista at maaari nang gamitin bilang daanan.

Paalala lamang na alinsunod sa Barangay Ordinance, hindi pinahihintulutan ang mga 6-wheeler na walang kaukulang permit na dumaan sa nasabing kalsada. Hinihiling natin ang pakikiisa ng lahat upang mapanatiling maayos at ligtas ang daloy ng trapiko sa lugar.

Ipinapaabot din ng Sangguniang Barangay ng Bagumbayan, sa pamumuno ni Kapitana Jane Santos, ang taos-pusong pasasalamat sa Holy Family Village Homeowners Association, sa pangunguna ni Dr. Febes Aranas, sa kanilang pakikipagtulungan at pagpayag na magamit ang Holy Family Village bilang alternate route habang may limitasyon sa pagdaan sa Paso Street.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy tayong magtulungan para sa mas maayos at ligtas na komunidad.

HATID-KALINGA: Grocery & Health Kits para sa Ating Bedridden Senior Citizens Dahil ang tunay na kalinga ay hindi lamang ...
04/09/2026

HATID-KALINGA: Grocery & Health Kits para sa Ating Bedridden Senior Citizens

Dahil ang tunay na kalinga ay hindi lamang naghihintay—ito ay kusang lumalapit at umaabot hanggang tahanan.

Bilang bahagi ng ating CARE — Compliance, Accountability, Resilience, and Equity, patuloy nating isinasabuhay ang serbisyong may malasakit, lalo na para sa mga ka-barangay nating higit na nangangailangan ng kalinga at suporta.

Sa ilalim ng programang HATID-KALINGA, ang Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan ay magkakaloob ng 100 Grocery & Health Kits para sa mga bedridden senior citizens ng ating barangay.

Dahil limitado sa 100 beneficiaries ang available na packages, magkakaroon ng validation at prioritization process upang matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga higit na nangangailangan.

SINO ANG MAAARING MAG-APPLY?

✅ Senior citizen at residente ng Barangay Bagumbayan
✅ Bedridden o may kondisyon na lubhang naglilimita sa kakayahang makalabas o makakilos nang walang malaking assistance
✅ May kamag-anak o tagapangalaga na maaaring magsumite ng application para sa kanya

SINO ANG MAAARING MAGSUMITE?

Hindi na kailangang personal na pumunta ang bedridden senior citizen.

Maaaring ang anak, asawa, kamag-anak, o pangunahing tagapangalaga (caregiver) ang magsumite ng requirements para sa beneficiary.

MGA KAILANGANG IPASA:

1. Photocopy ng Senior Citizen ID o valid ID ng beneficiary
2. Kasalukuyang larawan (picture) ng beneficiary
3. Medical Certificate, medical record, o iba pang dokumentong nagpapatunay ng kondisyon, kung available
4. Katibayan na ang aplikante ay kamag-anak o pangunahing tagapangalaga ng senior citizen
5. Valid ID ng representative/caregiver
6. Contact number ng beneficiary o caregiver

Kung walang available na medical document, maaari pa ring magsumite ng application at ito ay sasailalim sa validation ng Barangay.

PAANO ANG SISTEMA?

1️⃣ APPLICATION
Magsumite ng kumpletong requirements sa itinakdang araw.

2️⃣ VALIDATION
Susuriin ng Barangay ang mga isinumiteng dokumento at impormasyon. Maaaring magkaroon ng validation sa tahanan kung kinakailangan.

3️⃣ PRIORITIZATION
Bibigyang-prayoridad ang mga senior citizen na may higit na pangangailangan, batay sa kanilang kondisyon, pangangailangan sa assistance at pangangalaga, at kalagayang pinansyal.

4️⃣ FINAL SELECTION
Pagkatapos ng validation at prioritization, bubuuin ang final list ng 100 qualified beneficiaries.

5️⃣ HATID-KALINGA
Para sa mga mapipiling beneficiaries, ang Barangay mismo ang maghahatid ng Grocery & Health Kit sa kanilang tahanan. Hindi na kailangang bumiyahe o pumunta sa Barangay Hall ang bedridden senior citizen.

SUBMISSION OF REQUIREMENTS

Lunes, Setyembre 7, 2026
Tanggapan ng Kalihim ng Barangay
4th Floor, Bagumbayan MPB

MAHALAGANG PAALALA

Ang pagpili ng 100 beneficiaries ay hindi batay sa kung sino ang unang makapagsumite. Lahat ng applications ay daraan sa pare-parehong validation at prioritization process upang matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga senior citizen na higit na nangangailangan.

Ang pagsusumite ng application ay hindi awtomatikong nangangahulugan na mapapabilang sa 100 beneficiaries.

Ang pagbibigay ng maling impormasyon, pekeng dokumento, o misdeclaration ng kalagayan ng beneficiary ay maaaring maging dahilan ng automatic disqualification.

Walang bayad ang application at walang dapat bayaran upang maisama sa listahan.

Sa Barangay Bagumbayan — Kalinga, Serbisyo, at Malasakit para sa bawat tahanan.

Heavy Rainfall Advisory po mula sa DOST-PAGASA as of 11:00 PMMuling pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto po tayo ...
04/09/2026

Heavy Rainfall Advisory po mula sa DOST-PAGASA as of 11:00 PM

Muling pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto po tayo sa lahat ng oras at ibayong pag-iingat po sa ating mga ka-barangay dahil patuloy po tayo na makakaranas tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng HABAGAT

Itinaas na rin ng PAGASA ang YELLOW WARNING LEVEL sa Metro Manila kung saan kasama ang ating barangay na ang ibig sabihin ay tayo ay dapat maging handa sa posibilidad ng pagbaha lalo sa mababang lugar.

Nakahanda naman po ang ating barangay na umalalay sa ating mga barangay at patuloy na nagmo-monitor lalo sa mga flood prone areas.

Para sa kahit anong emergency, mag-text o tumawag lamang po sa 09198947219.

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗘𝘆𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗦𝘂𝗹𝘆𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗔𝘀𝗮 | September4 , 2026Matagumpay na muling naisagawa ang Sulyap ng Pa...
04/09/2026

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗘𝘆𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺
𝗦𝘂𝗹𝘆𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗔𝘀𝗮 | September4 , 2026

Matagumpay na muling naisagawa ang Sulyap ng Pag-asa: Eye Care Program ng Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan para sa ating mga ka-barangay na nakiisa at nagpatingin upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan nMatagumpay na muling naisagawa ang Sulyap ng Pag-asa: Eye Care Program ng Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan para sa ating mga ka-barangay na nakiisa at nagpatingin upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan n paningin.

Sa patuloy na pangunguna ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kap. Jane Santos, layunin nating mailapit ang dekalidad, abot-kamay, at malasakit na serbisyong pangkalusugan sa bawat residente ng ating komunidad.
Bilang pasasalamat sa aktibong pakikilahok ng ating mga ka-barangay, nagbahagi rin ang Sangguniang Barangay ng libreng tanghalian sa lahat ng lumahok sa programa.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating Eye Care Program. Patuloy nating isusulong ang mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng bawat residente, tungo sa isang mas malusog at mas maunlad na Barangay
Bagumbayan.



04/09/2026

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Due to inclement weather, the Miss Supranational 2026 Ma. Katrina Llegado Homecoming Motorcade and Program is postponed.

Please follow the official pages of I Love Taguig for further announcements and updates.

Thank you for your understanding!

CARE DAY PARA SA SENIOR CITIZENS AT PWD | COCOHILLS AT PASODinala sa Cocohills at Paso ang ating CARE Day para sa mga Se...
04/09/2026

CARE DAY PARA SA SENIOR CITIZENS AT PWD | COCOHILLS AT PASO

Dinala sa Cocohills at Paso ang ating CARE Day para sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWD), bilang bahagi ng patuloy na paglalapit ng mga programang nakatuon sa kanilang kalusugan, wellness, at pakikisalamuha.

Nagkaroon ng libreng gupit at workshop na nagbibigay ng pagkakataon hindi lamang para matuto, kundi para makapagkuwentuhan, makapag-relax, at makasama ang iba pang miyembro ng komunidad.

Patuloy nating inilalapit ang mga simpleng serbisyong may tunay na pakinabang at nagbibigay-puwang sa mas aktibo, mas masaya, at mas inklusibong komunidad para sa ating mga senior citizen at PWD.

FAVORVILLE HOMEOWNERS ASSOCIATION OATH-TAKINGPormal na nanumpa kay Kapitana Jane Santos ang mga bagong opisyal ng Favorv...
04/09/2026

FAVORVILLE HOMEOWNERS ASSOCIATION OATH-TAKING

Pormal na nanumpa kay Kapitana Jane Santos ang mga bagong opisyal ng Favorville Homeowners Association, bilang pagsisimula ng kanilang panibagong tungkulin sa paglilingkod sa kanilang komunidad.

Sa oath-taking, binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na samahan, bukas na komunikasyon, at tuloy-tuloy na koordinasyon sa pagitan ng HOA at Pamahalaang Barangay upang mas mabilis na maiparating at matugunan ang mga concern ng mga residente.

Congratulations sa mga bagong opisyal ng Favorville HOA! Hangad natin ang aktibo, maayos, at makabuluhang paglilingkod para sa inyong komunidad.

GANDANG MAMITA 2026 | COURTESY CALLNag-courtesy call kay Kapitana Jane Santos ang ating kinatawan para sa Gandang Mamita...
04/09/2026

GANDANG MAMITA 2026 | COURTESY CALL

Nag-courtesy call kay Kapitana Jane Santos ang ating kinatawan para sa Gandang Mamita 2026, kasama ang mga opisyal ng OSCA sa pangunguna ni Pres. Linda Samaniego, bilang bahagi ng mga paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Elderly Week.

Sa kanilang pag-uusap, nagpaabot si Kapitana Jane Santos ng suporta sa ating representative at sa mga aktibidad na naglalayong bigyang-pugay at pagpapahalaga ang ating mga senior citizen.

Patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaang Barangay ng Bagumbayan sa mga programang nagbibigay saya, pagkilala, at mas aktibong partisipasyon para sa ating mga nakatatandang ka-barangay.

LIBRENG NOTARYO AT LEGAL CONSULTATION | ACCESS–ULASMga ka-barangay, muling hatid ng ACCESS–ULAS ang libreng legal consul...
04/09/2026

LIBRENG NOTARYO AT LEGAL CONSULTATION | ACCESS–ULAS

Mga ka-barangay, muling hatid ng ACCESS–ULAS ang libreng legal consultation at libreng pagpapanotaryo ng mga dokumento para sa ating komunidad.

Petsa: Setyembre 4, 2026 (Biyernes)
Oras: 8:00 AM – 4:00 PM
Saan: 4th Floor, Bagumbayan Multipurpose Building

Maaaring magtungo ang mga nangangailangan ng payong legal o may dokumentong kailangang ipa-notaryo. Magdala lamang ng valid ID at kumpletong dokumentong nais ipakonsulta o ipa-notaryo.

Samantalahin ang libreng serbisyong ito at ipaalam din sa inyong mga kapitbahay na maaaring mangailangan. Kita-kits, mga ka-barangay!

LIBRENG NOTARYO AT LEGAL CONSULTATION | ACCESS–ULAS

Mga ka-barangay, muling hatid ng ACCESS–ULAS ang libreng legal consultation at libreng pagpapanotaryo ng mga dokumento para sa ating komunidad.

September 4, 2026
8:00 AM – 4:00 PM
4th Floor, Bagumbayan Multipurpose Building

Maaaring magtungo ang mga nangangailangan ng payong legal o may dokumentong kailangang ipa-notaryo. Magdala lamang ng valid ID at kumpletong dokumentong nais ipakonsulta o ipa-notaryo.

Samantalahin ang libreng serbisyong ito at ipaalam din sa inyong mga kapitbahay na maaaring mangailangan. Kita-kits, mga ka-barangay!

IEC ON FAMILY PREPAREDNESS AND FIRE SAFETY | PUROK 3 AT 4Isinagawa sa Barangay Hall ang IEC on Family Preparedness and F...
03/09/2026

IEC ON FAMILY PREPAREDNESS AND FIRE SAFETY | PUROK 3 AT 4

Isinagawa sa Barangay Hall ang IEC on Family Preparedness and Fire Safety para sa ating mga ka-barangay mula sa Purok 3 at Purok 4, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bawat pamilya sa oras ng sakuna at emergency.

Nagbahagi sina FO1 Duca at Sir Domingo Briguela ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mas maingat na pag-iwas, paghahanda, at tamang pagtugon sa iba’t ibang panganib, lalo na sa mga insidente ng sunog. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging handa bago pa dumating ang emergency upang mas maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.

Nakiisa ang buong Sangguniang Barangay, sa pamumuno ni Kapitana Jane Santos, kasama sina Kagawad Jessie Concepcion, Kagawad Lexan Aquino, Kagawad Wena Blanco, Kagawad Ejay Javier, Kagawad Arnold Caldozo, Kagawad Zang Cartel, at SK Chairperson Ava Victoria. Nagpaabot din ng kanilang pagbati at suporta sina dating SK Chairman at Kagawad Pajo Torreno at dating SK Kagawad Austin Aquino.

Sa tuloy-tuloy na IEC at community-based preparedness activities, mas napapalapit natin sa bawat pamilya ang praktikal na kaalaman na mahalaga sa oras ng panganib.

Address

Purok 3 MLQ Street Barangay Bagumbayan Taguig City
Taguig
1630

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bagumbayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share