10/08/2026
Ngayong araw, Agosto 10, 2026, matagumpay na isinagawa ang sabayang Clean-Up Drive sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Taguig, na pinangunahan ng ating mga Street Sweepers at BAO Coordinators. Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Barangay Affairs Office (BAO) bilang pagtugon sa epekto ng masamang panahon at bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan sa ating lungsod.
Ang gawaing ito ay alinsunod sa hangarin at tagubilin ng ating minamahal na Mayor Lani Cayetano na patuloy na bigyang-prayoridad ang kalinisan ng ating Probinsyudad, upang mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat Taguigeño.
Maraming salamat sa dedikasyon, malasakit, at sipag ng ating buong BAO Team—mga kawani na hindi lamang tumutupad sa kanilang tungkulin, kundi laging handang magbigay ng tapat at buong-pusong serbisyo para sa bawat Taguigeño.
Salamat Mayor Lani Cayetano sa tunay na malasakit at pagmamahal sa ating mga mamamayan. Ikaw ang inspirasyon ng bawat isa sa amin.