Barangay San Miguel

Barangay San Miguel Welcome to Bagong Barangay San Miguel Page, from here you will see updates of what's happenning.

🩸 DUGONG ALAY, BUHAY NA IPINAGKAKALOOB! ❀️Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay San Miguel na makiisa sa ating...
02/09/2026

🩸 DUGONG ALAY, BUHAY NA IPINAGKAKALOOB! ❀️

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay San Miguel na makiisa sa ating Bloodletting Activity na isasagawa sa:

πŸ“… September 20, 2026 (Linggo)
⏰ 7:00 AM – 3:00 PM
πŸ“ Barangay San Miguel Hall

Sa pangunguna ni Kap. Arnold M. Fabian, at sa pakikipagtulungan ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at CEO/President ng One Planet One Earth FDN Inc. Mr. Ryan Paul G. Pillas.

Isang simpleng donasyon ng dugo ay maaaring maging malaking pag-asa at tulong para sa mga taong nangangailangan. Sama-sama nating ipakita ang malasakit at bayanihan para sa isang mas malusog at mas matatag na komunidad.

❀️ GIVE BLOOD, GIVE LIFE!
🩸 BE A HERO. DONATE BLOOD. SAVE LIVES.

Tayo na, Barangay San Miguel! Makilahok, magbigay, at maging bahagi ng pagliligtas ng buhay. πŸ™β€οΈ






πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, ATTY. MONTALES! πŸŽ‚ Buong-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan, Atty. Jose Luis G. Montales, City ...
28/08/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, ATTY. MONTALES! πŸŽ‚

Buong-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan, Atty. Jose Luis G. Montales, City Administrator ng Lungsod ng Taguig! πŸ₯³

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at maraming biyaya upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, suporta, at walang sawang paglilingkod para sa ikabubuti ng ating minamahal na Lungsod ng Taguig. β€οΈπŸ’™

Mula sa Punong Barangay Kap. Arnold M. Fabian, mga Kagawad, Barangay Officials, kawani, at buong Barangay San Miguel, taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati.

🎈 Maligayang Kaarawan po, Atty. Montales!
Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng pagpapala ang inyong espesyal na araw! πŸŽ‚πŸŽ‰
Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod! πŸ™β€οΈ

🐾❀️ PET CARAVAN SA BARANGAY SAN MIGUEL! 🐢🐱Isang masaya at makabuluhang araw para sa ating mga fur parents at kanilang mg...
26/08/2026

🐾❀️ PET CARAVAN SA BARANGAY SAN MIGUEL! 🐢🐱

Isang masaya at makabuluhang araw para sa ating mga fur parents at kanilang mga alagang hayop! 🐾

Ang Pet Caravan ay isang programa ng ating minamahal na Mayor Lani Cayetano, na naglalayong mailapit sa ating mga residente ang mga serbisyong para sa kapakanan at kalusugan ng kanilang mga alagang hayop. πŸ’™πŸ•πŸˆ

Naging espesyal din ang programa sa pagbisita nina Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, Congressman Ading Cruz Jr., at mga City Councilors, na personal na dumalaw sa Barangay San Miguel upang magbigay ng kanilang mga pagbati, mensahe, at pakikiisa sa ating mga residente.

Maraming salamat po sa inyong pagbisita at patuloy na suporta sa ating barangay! At higit sa lahat, maraming salamat po, Mayor Lani Cayetano sa hatid na serbisyong ito para sa ating mga fur parents at kanilang mga minamahal na alaga. 🐾❀️

Serbisyo para sa bawat pamilya, kasama ang ating mga alagang hayop! πŸΆπŸ±πŸ’™





24/08/2026
πŸ•ŠοΈ PAKIKIRAMAY NG BARANGAY SAN MIGUELNakiramay at dumalaw si Kap. Arnold M. Fabian, kasama ang ilang miyembro ng Sanggun...
22/08/2026

πŸ•ŠοΈ PAKIKIRAMAY NG BARANGAY SAN MIGUEL

Nakiramay at dumalaw si Kap. Arnold M. Fabian, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay, sa burol ng isang miyembro ng pamilyang De Belen na kamakailan ay pumanaw.

Sa oras ng pagluluksa, nais nating iparating ang ating taos-pusong pakikiramay at suporta sa buong pamilya De Belen. Nawa’y bigyan sila ng Diyos ng lakas, kapanatagan, at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. πŸ™

Nakikiramay po ang Pamahalaang Barangay San Miguel sa buong pamilya De Belen.

PATULOY ANG SERBISYO PARA SA SAN MIGUEL! πŸ’‘Sa pangunguna ni Kap. Arnold M. Fabian, patuloy ang Barangay San Miguel sa pag...
22/08/2026

PATULOY ANG SERBISYO PARA SA SAN MIGUEL! πŸ’‘

Sa pangunguna ni Kap. Arnold M. Fabian, patuloy ang Barangay San Miguel sa pagkilos para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga residente.

Nagtungo si RJ Silvestre, kasama ang Barangay Security Force (BSF), Hepe Juliver Torres, at Mulawin sa Bautista Street upang ayusin ang linya ng mga streetlights at matiyak ang maayos na pag-iilaw sa lugar.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong at patuloy na naglilingkod para sa isang mas ligtas, maayos, at maliwanag na Barangay San Miguel! πŸ’™

PATULOY ANG AKSYON PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA SAN MIGUEL! πŸ’™πŸ’ͺSa pangunguna ng ating mahal na Mayor Lani Cayetano, katuwa...
20/08/2026

PATULOY ANG AKSYON PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA SAN MIGUEL! πŸ’™πŸ’ͺ

Sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Lani Cayetano, katuwang si Kap. Arnold M. Fabian, patuloy ang pagtugon ng Barangay San Miguel sa pangangailangan ng ating mga residente.

πŸ’§ Kasalukuyang nagpapatuloy ang water pumping operation sa lugar ng Bautista upang makatulong sa mabilis na pag-alis ng tubig at maiwasan ang patuloy na pagbaha sa lugar.

Kasama sa operasyon sina Kag. Rogelio JonJon Cacho Jr., Kag. Ariel Bravo, ang ating Barangay Security Force (BSF) at Fire Volunteers.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumutulong at naglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Tuloy-tuloy ang aksyon. Tuloy-tuloy ang serbisyo para sa San Miguel! πŸ’™

πŸ’§ PATULOY ANG AKSYON PARA SA MAS LIGTAS NA SAN MIGUEL!Nagpapatuloy ang water pumping operation sa Morning Sun upang maka...
19/08/2026

πŸ’§ PATULOY ANG AKSYON PARA SA MAS LIGTAS NA SAN MIGUEL!

Nagpapatuloy ang water pumping operation sa Morning Sun upang makatulong sa pagpapababa ng tubig-baha at maibsan ang epekto nito sa ating mga residente.

Pinangunahan ng ating Kap. Arnold M. Fabian, at sinamahan sa aktibidad sina Kag. Rogelio β€œJonJon” Cacho Jr., kasama ang FMO Department at BAO Department, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng Barangay San Miguel sa pangangailangan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa ating mga katuwang sa patuloy na serbisyo at agarang pagtugon para sa ating mga kabarangay. πŸ€πŸ’™

Patuloy ang aksyon, sama-sama para sa San Miguel!

Maraming salamat din kay Mayor Lani Cayetano sa patuloy na suporta at malasakit sa ating barangay. πŸ™




19/08/2026
PATULOY ANG AKSYON PARA SA LIGTAS NA SAN MIGUEL! πŸ’ͺπŸš’Patuloy ang agarang pagtugon ng Barangay San Miguel sa mga lugar na n...
18/08/2026

PATULOY ANG AKSYON PARA SA LIGTAS NA SAN MIGUEL! πŸ’ͺπŸš’

Patuloy ang agarang pagtugon ng Barangay San Miguel sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha. Ngayong araw, magsasagawa tayo ng pagpapa-pump ng tubig-baha sa lugar ng sementeryo upang makatulong sa mabilis na pagbaba ng tubig at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad.

Pinangunahan ni Kap. Arnold M. Fabian ang patuloy na koordinasyon para sa mga kinakailangang aksyon, kasama sina:

β€’ Kag. JonJon Cacho Jr.
β€’ Kag. Elo Nilo
β€’ Kag. Boyet Silvestre
β€’Rj Silvestre
β€’ Kag. Ariel Bravo
β€’ Kag. Celso Arenas II
β€’ Fire Volunteers
β€’ Barangay Security Force (BSF)

Maraming salamat sa ating mga barangay officials, volunteers, at responders sa kanilang mabilis na pagtugon at patuloy na serbisyo para sa ating mga residente. 🀝

Patuloy ang pagkilos para sa mas ligtas at handang Barangay San Miguel!

πŸ™ Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Lani Cayetano sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating barangay at mga residente.

Address

Taguig
1630

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Miguel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share