25/08/2026
Markahan na ang Kalendaryo: AUG 31, 2026
2:00โ7:00 pm sa CWP, #20 Domingo M. Guevara, Mandaluyong City, Metro Manila.
Makiisa sa paglaban!
Markahan mo na ang iyong kalendaryo! Dahil sa darating na ika-31 ng Agosto, maraming pasabog ang aasahan mo!
Bilang paghahanda para sa darating na World Habitat day ngayong taon, magsasama-sama ang mga kabataan handog ang โMAGKAKA-ATIP: Magkaisa Kabataan, para sa Karapatan at Pabahay!โ Isang araw ng pagtatanghal, pag-aaral, diskusyon, at pagkakaisa para sa karapatan sa paninirahan.
Dahil naniniwala tayong sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay, dapat kasama ang kabataang tumindig sa usaping ito. 8.5 milyon ang walang bahay sa Pilipinas, lumalaki pa ang bilang nito taun-taon habang ang mga programa ng gobyernong nakatuon sa negosyo ay hindi layong solusyunan ang lumalalang krisis na ito.
Habang may pamilyang walang maayos bubong na masisilungan, habang marami ay nagsisiksikan, at habang hindi nakakamit ng mga maralitang Pilipino ang kanilang karapatan: sama-sama tayong manindigan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay.
Makiisa sa paglaban! Tara na sa August 31, 2026, 2:00โ7:00 pm sa CWP, #20 Domingo M. Guevara, Mandaluyong City, Metro Manila.