10/06/2026
Problema sa birth certificate? Punta na sa Free Mobile Birth Registration (MBR)
FREE LATE BIRTH REGISTRATION
JUNE 13, 2026 β’ SATURDAY
8AM to 3 PM
CEMBO BARANGAY HALL
SERVICES OFFERED:
β
On-time birth registration
β
Late birth registration
β
Out-of-town birth registration
β
Minor clerical corrections
β
Request for PSA documents (eg. Birth Certificate, Marriage Certificate, CENOMAR)
β
National ID ( Registration only. No claiming of IDs )
Pumunta nang maaga. Only 300 slots are available for birth registration.
π REQUIREMENTS FOR ON-TIME BIRTH REGISTRATION
( Para sa mga sanggol na ipinanganak sa loob ng 30 araw pero wala pang birth certificate )
A. Kung KASAL ang magulang:
1. Certificate of Live Birth form (Makukuha ito sa City Civil Registry)
2. Marriage Contract
3. National ID ng magulang
4. Government-issued ID ng magulang
B. Kung HINDI KASAL ang magulang:
1. Certificate of Live Birth form (Makukuha ito sa City Civil Registry)
2. Affidavit of Admission of Paternity (Makukuha ito sa City Civil Registry)
3. Affidavit to use the Surname of the Father (Makukuha ito sa City Civil Registry)
4. National ID ng magulang
5. Valid ID ng magulang
πREQUIREMENTS FOR LATE BIRTH REGISTRATION
( Para sa mga ipinanganak ng higit sa 30 araw ang nakalipas pero wala pang birth certificate )
STEP 1: Pumunta sa mga lokasyon ng Mobile Birth Registration o sa opisina ng City Civil Registry sa Taguig City Hall o at kumuha ng Certificate of Live Birth (COLB) form.
STEP 2: Sagutan (typewritten or computerized) ang mga detalyeng hinihingi sa Certificate of Live Birth Form at pirmahan. Sa likuran nito, sagutan
at pirmahan ang Affidavit for Delayed Registration of Birth. Ipa-notaryo ang COLB.
STEP 3: Kumuha ng negative certification mula sa PSA na nagpapatunay na wala pang birth certificate ang aplikante.
STEP 4: Kung KASAL ang magulang kumuha ng Certified True Copy ng Marriage Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) or Local Civil Registry Office.
Kung HINDI KASAL, sagutan ang Affidavit of Acknowledgement/ Admission of Paternity. (Ito ay matatagpuan sa likuran ng Certificate of Live Birth Form) at ang Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF). Pirmahan at ipa-notaryo.
πMGA KARAGDAGANG REQUIREMENTS:
1. National ID ng magulang
2. Valid ID ng magulang
3. Dalawa (2) sa mga sumusunod na dokumento bilang patunay sa pangalan ng mga magulang, petsa at kung saan isinilang ang aplikante:
a. Original Baptismal Certificate mula sa parokya
b. Medical Certification or Immunization Card mula sa ospital, health center o doktor
c. Certified True Copy ng Form 137/ School Records (para sa edad 7-17 taon)
d. Certified True Copy ng Voterβs Registration (para sa edad 18 pataas)
πSINO ANG PUWEDENG MAG-FILE NG BIRTH REGISTRATION?
β’ Kung KASAL ang magulang, puwede kahit isa sa mga magulang. Puwede rin ang aplikante mismo kung siya ay nasa 18 taong gulang pataas.
β’ Kung HINDI KASAL, required ang parehong magulang na magpakita sa pag-file.
β’ Required din na sumama ang anak na ipaparehistro kung ito ay nasa 7- 17 taong gulang.
πPAANO KUNG WALA ANG TATAY SA BIRTH REGISTRATION?
β’ Kung KASAL, hindi ito problema. Maaring mag-file ang nanay.
β’ Kung HINDI KASAL, hindi maaaring wala ang tatay, maliban kung siya ay namatay na, nasa ibang bansa o naglayas at inabondana ang pamilya.
β’ Sa ganitong pagkakataon, maaaring mag-rehistro ang nanay. Gagamitin sa birth certificate ang apelyido ng nanay.
πPAANO KUNG WALA ANG NANAY SA BIRTH REGISTRATION?
β’ Kung KASAL, hindi ito problema. Maaring mag-file ang tatay.
β’ Kung HINDI KASAL, hindi maaaring wala ang nanay, maliban kung siya ay namatay na, nasa ibang bansa o naglayas at inabondana ang pamilya.
β’ Sa ganitong pagkakataon, maaaring mag-rehistro ang tatay.
β’ Puwede rin ang lola o nanay ng nanay ng ipaparehistro. Kailangan lang ng Affidavit of Guardianship.
πPUWEDE BA SA LATE BIRTH REGISTRATION KAHIT HINDI ISINILANG SA TAGUIG?
Puwede po. Kung hindi isinilang sa Taguig ang ipaparehistro, tutulong ang opisina ng City Civil Registry ng Taguig sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung saan isinilang ang magpaparehistro. Ito ang tinatawag na Out-of-Town Registration.
πMAGKANO ANG BAYAD SA LATE BIRTH REGISTRATION?
β’ Walang bayad ang mismong pagpaparehistro dahil ito ay libreng serbisyo ng Lungsod Taguig sa mga TaguigeΓ±o.
β’ Pero may babayaran sa pagkuha ng mga requirements tulad ng notarization, barangay clearance, at negative certification mula sa Phil. Statistics Authority (PSA).
πPARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Makipag-ugnayan sa:
Tanggapan ng Patalaang Sibil o City Civil Registry ng Taguig City.
Ground Flr., City Hall Annex Bldg., Gen Luna St., Tuktukan, Taguig City
Tel. No.: 8628-2808
Email : [email protected]
FB page: City Civil Registry β City of Taguig