24/09/2026
PUBLIC HEARING SA PANUKALANG BARANGAY ORDINANSA
Ngayong araw, 24 Setyembre 2026, isinagawa ang isang Public Hearing sa Barangay Pembo na pinangunahan ng ating Punong Barangay, Kapitan Michael Arcilla, kaugnay ng Proposed Barangay Ordinance No. 2026-003 na naglalayong magtakda at magpatupad ng mga alituntunin para sa responsableng pag-aalaga at pagmamay-ari ng mga alagang hayop, bilang hakbang upang maiwasan ang mga suliraning dulot ng mga alagang hayop at mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at kalinisan ng ating komunidad.
Ang nasabing panukalang ordinansa ay isinakatuparan sa pangunguna ni Kagawad Lalaine Asidao, Committee Chairperson on Health and Sanitation, na may buong suporta at pakikiisa ng ating Barangay Council.
Layunin ng Public Hearing na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabarangay na maipahayag ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at pananaw hinggil sa panukalang ordinansa.
Patuloy nating isinusulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop, malinis na kapaligiran, at ligtas na pamayanan para sa bawat Pembozen.
Para sa Mamamayan ng Barangay Pembo. Sama-sama para sa mas ligtas, malinis, at maayos na Barangay Pembo!