18/08/2026
๐ฉบโค๏ธ SERBISYONG MAY PUSO: MEDICAL MISSION SA MMDJ ANNEX 1
Isinagawa ang isang Medical Mission sa Metro Manila District Jail Annex 1 sa pakikipagtulungan ng United Catholic Church of the Philippines, na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan at malasakit sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa pangunguna ni Acting Jail Warden JSINSP NELSON V. DIAZ, RN, patuloy na itinataguyod ng MMDJ Annex 1 ang mga programang nagbibigay-prayoridad sa kalusugan, kapakanan, at dignidad ng bawat PDL.
Taos-pusong pasasalamat sa United Catholic Church of the Philippines sa kanilang panahon, serbisyo, at malasakit. Ang inyong pagtulong ay nagsisilbing paalala na ang pagmamalasakit ay walang pinipiling kalagayan at ang tunay na serbisyo ay may pusong handang tumulong. ๐โค๏ธ