Arvin Alit

Arvin Alit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Arvin Alit, Government Official, Taguig.
(3)

Unang hirit sa larangan ng sports ay ang masayang Softball Game kasunod ng ating Opening Ceremony. Ito ay saksi ng matag...
03/09/2026

Unang hirit sa larangan ng sports ay ang masayang Softball Game kasunod ng ating Opening Ceremony. Ito ay saksi ng matagumpay na pagbubukas ng Sportsfest para sa Councilors' Week!

Nakiisa sa laro si Vice Mayor Arvin Alit kasama ang mga konsehal at kawani ng lungsod. Muli, isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Councilors' week!



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Councilors’ Week 2026, pormal nating binuksan ngayong araw ang Sports Fest, kung saan na...
03/09/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Councilors’ Week 2026, pormal nating binuksan ngayong araw ang Sports Fest, kung saan nagsasama-sama sina Vice Mayor Arvin Alit, mga konsehal mula sa una at ikalawang distrito, SP Secretariat at kanilang mga staff, sa serye ng iba’t-ibang mga paligsahan na naglalayong palakasin ang teamwork at camaraderie sa hanay ng ating mga lingkod-bayan.

Sa labas ng sesyon at karaniwang gawain sa opisina, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makilala ang kanilang mga kasama sa ibang paraan, bumuo ng mas matibay na ugnayan, at lumikha ng mga karanasang maibabalik sa kanilang trabaho at paglilingkod.

Dahil ang isang matatag na team ay hindi lamang nasusukat sa dami ng panalong naiuuwi, kundi sa pagtutulungan, respeto, at tiwalang nabubuo sa bawat laban—mga pagpapahalagang mas nagiging mahalaga kapag sama-sama nating hinaharap ang hamon ng paglilingkod sa Taguig.

Sa bawat laro, mas napapalapit ang samahan. Sa bawat samahan, mas napapalakas ang serbisyo.



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Councilors’ Week 2026, nagsama-sama ang mga kawani ng Office of the Vice Mayor at Sanggu...
02/09/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Councilors’ Week 2026, nagsama-sama ang mga kawani ng Office of the Vice Mayor at Sangguniang Panlungsod para sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa wastong waste segregation—isang mahalagang hakbang tungo sa mas responsable at mas sustenableng pangangalaga ng ating lungsod.

Dito, binibigyang-halaga hindi lamang ang mahusay na pagtupad sa tungkulin, kundi pati ang paghubog ng isang workforce na may malasakit sa kapaligiran at handang maging halimbawa ng responsableng pagkilos. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay mas nagiging makabuluhan kapag nagsisimula ito sa loob ng ating mga tanggapan at sama-samang isinasabuhay.

Sa bawat tamang pagtatapon, bawat wastong paghihiwalay, at bawat responsableng gawain—may ambag tayo sa mas malinis at mas maayos na Taguig.



Bago ang bawat gawain..pananalig. Bago ang bawat pasya…panalangin.Sa pagsisimula ng Councilors’ Week 2026, sama-samang n...
02/09/2026

Bago ang bawat gawain..pananalig. Bago ang bawat pasya…panalangin.

Sa pagsisimula ng Councilors’ Week 2026, sama-samang nag-alay ng Thanksgiving Mass ang 8th City Council, sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Ian Alit—isang pagkakataon upang magpasalamat sa Panginoon sa biyaya ng paglilingkod at humingi ng patuloy na gabay, karunungan, at lakas sa pagtupad sa mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila.

Ang paglilingkod sa bayan ay isang malaking tiwala at pananagutang hindi dapat kalimutan ang pinagmumulan. Sa banal na pagdiriwang na ito, pinagtitibay natin ang pagpapahalaga sa pananalig, pagkakaisa, at kababaang-loob bilang gabay sa patuloy na paglilingkod sa ating lungsod at sa mga mamamayang ating pinaglilingkuran.

Nakibahagi rin sa makabuluhang pagdiriwang sina Mayor Lani Cayetano, Congressman Jorge Bocobo, at DILG Taguig OIC Luigi Pilarta, kasama ang mga lingkod-bayan na nakiisa sa pagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng ating 8th City Council.

Sa aming mga konsehal, ang linggong ito ay para sa inyo—isang pagpupugay sa tiwalang inyong tinanggap, sa serbisyong inyong inialay, at sa panata ninyong patuloy na maglingkod. Nawa’y lagi kayong gabayan ng Panginoon sa bawat hakbang at pagkalooban ng pusong tapat sa bayan.

Maligayang Councilors’ Week 2026!



Sa pagdiriwang ng Councilors’ Week ngayong 2026, buong pagpapahalaga nating kinikilala at pinararangalan ang mga miyembr...
02/09/2026

Sa pagdiriwang ng Councilors’ Week ngayong 2026, buong pagpapahalaga nating kinikilala at pinararangalan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig —mga lingkod-bayang nagsisilbing kinatawan ng ating mga mamamayan at katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng Taguig.

Sa pangunguna ng ating butihing Vice Mayor Arvin Alit, patuloy nilang dinadala sa bawat regular na sesyon ang mga tinig, pangangailangan, at adhikain ng mga Taguigeño. Sa kanilang mga talakayan, paninindigan, at mga desisyong ginagawa bilang bahagi ng Sangguniang Panlungsod, naipapakita ang tunay na diwa ng representasyon at paglilingkod sa bayan.

Sa ating 8th City Council, maraming salamat sa inyong panahon, dedikasyon, at patuloy na pagtindig para sa kapakanan ng bawat Taguigeño. Sa linggong ito, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang inyong tungkulin—pinararangalan natin ang inyong paglilingkod bilang boses ng ating mga mamamayan.





Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, may mga Pilipinong piniling maglingkod, manindigan, at magsakripisyo para sa bayan. ...
01/09/2026

Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, may mga Pilipinong piniling maglingkod, manindigan, at magsakripisyo para sa bayan. Sa kanilang tapang at pagmamahal sa Pilipinas, ipinaglaban nila ang kalayaan at kinabukasang tinatamasa natin ngayon.

Pinangunahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita at pagpupugay sa ating mga bayani sa Libingan ng mga Bayani. Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pamumuno ni Mayor Maria Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, Congressman Ricardo Cruz Jr., Congressman Jorge Bocobo, at ng 8th City Council, sa pagbibigay-pugay sa kanilang sakripisyo at paglilingkod.

Ang sakripisyo ng ating mga bayani ay hindi kailanman malilimutan, at ang kanilang kabayanihan ay patuloy nating isasabuhay.



31/08/2026
Muli tayong nakiisa sa NCR Vice Mayor’s League Bi‑Monthly Meeting kasama ang mga kapwa Vice Mayor at representatives mul...
30/08/2026

Muli tayong nakiisa sa NCR Vice Mayor’s League Bi‑Monthly Meeting kasama ang mga kapwa Vice Mayor at representatives mula sa iba’t-ibang LGU.

Ikinagalak din ng vice mayors ang pagdalo at pakikiisa ni Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City.

Layunin ng pagtitipong ito na higit pang mapalalim ang samahan at magkaroon ng makabuluhang talakayan tungo sa mas maayos, epektibo, at matatag na suporta mula sa ibang lokal na pamahalaan ng Metro Manila.


-NCR

Happy Birthday, Atty. Jose Luis Montales! May your wisdom continue to inspire and light the way for others.
28/08/2026

Happy Birthday, Atty. Jose Luis Montales!

May your wisdom continue to inspire and light the way for others.

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arvin Alit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Arvin Alit:

Shortcuts

Share