18/09/2026
WELCOME HOME, KATRINA! | HOMECOMING PARADE
Proud na proud ang Barangay Bagumbayan sa ating ka-barangay na si Ms. Ma. Katrina Llegado, Ms. Supranational, na ating sasalubungin sa kanyang Homecoming Parade ngayong Sabado, Setyembre 19.
Magsisimula ang motorcade alas-9:00 ng umaga mula sa Barangay Hall ng Bagumbayan. Inaanyayahan ang lahat ng mga ka-barangay na lumabas sa kanilang mga tahanan at makiisa sa pagsalubong habang dumaraan ang motorcade sa kahabaan ng MLQ.
Sama-sama nating ipakita ang pagmamalaki at suporta sa isang tunay na proud ka-Barangay Bagumbayan. Welcome home, Queen Kat! ๐โจ