23/04/2026
⚠️ 𝗥𝗘𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗟𝗞:
Wala pang “energy-saving device” na pumasa sa energy label. Pag walang DOE-certified energy label, hindi ito gumagana.
Sa pag-aaral ng DOE na sinubukan ang iba’t ibang “energy-saving devices” gamit ang washing machine, plantsa, aircon, vacuum cleaner, at ilaw.
Resulta:
• Walang pumasa kahit isang model
• May mga test na tumaas pa ang konsumo (mga +1%)
• May iba na bahagyang bumaba (halos wala, 0.01% hanggang 4%)
– pero bagsak pa rin dahil ang requirement ay 20% tipid
May isa pang napansin:
Sa ibang test, humina ang performance ng aircon (parang sinakal ang daloy ng kuryente).
👉 Ibig sabihin:
Hindi lang ito hindi epektibo—maaari pa itong makasira o magdulot ng risk sa appliances.
✅ Ang tunay na energy savers:
• Bunutin sa saksakan kung hindi gamit
• Madalas na paglinis ng aircon filter
• Paggamit ng inverter appliances