23/06/2025
ππ ππππππππππππ ππ
ππππππ ππππππππ ππ
βTulong para sa Pag-aaral, Suporta sa Pangarap ng Kabataan.β
Matagumpay na naisakatuparan ang Distribution of School Supplies na isinagawa noong Hunyo 21, 2025 sa Barangay Hall ng Barangay Del Pilar. Layunin ng programang ito na makapaghatid ng tulong sa mga estudyante mula sa College, Grade 9-10 at Senior High School bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik-eskwela para sa taong panuruan 2025β2026.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan at isinakatuparan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Del Pilar, at bilang bahagi ng aming adhikain na suportahan ang edukasyon ng bawat kabataang Del Pilarian. Sa kabila ng mga hamon, patuloy naming pinangangalagaan ang karapatan ng kabataan sa edukasyon at kinabukasan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng kabataang dumalo, sa mga magulang, at mga boluntaryong tumulong upang maisakatuparan ang layunin ng programang ito. Nawa'y magsilbing inspirasyon ito sa bawat isa na patuloy pang mangarap, mag-aral, at magsikap para sa isang mas maliwanag na kinabukasan.
π Paalala: Para po sa mga kabataang nakapagparehistro ngunit hindi pa nakakuha ng kanilang school supplies, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming official page o lumapit sa amin gamit ang personal account naming mga officials ng SK Del Pilar.
π£ Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa kabataan! Muli, maraming salamat po!
π
π
π
π