LTO Tagkawayan E.O - Calabarzon

LTO Tagkawayan E.O - Calabarzon ROAD SAFETY IS OUR PRIORITY ๐Ÿšฆ๐Ÿšง๐Ÿšจ๐Ÿ๏ธ

31/03/2026
26/03/2026
March 20, 2026 โ€“ LTO Tagkawayan, in collaboration with the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRR...
22/03/2026

March 20, 2026 โ€“ LTO Tagkawayan, in collaboration with the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), successfully conducted a one-day training-seminar for local TODAs in Tagkawayan, Quezon.

With the theme : โ€œBasic First Aid and Road Emergency Preparedness Seminar,โ€ the program aimed to enhance the capability of TODA members in responding effectively to road-related emergencies. Resource speakers from MDRRMO Tagkawayan facilitated the sessions, providing valuable knowledge and practical demonstrations on basic first aid and emergency preparedness.

This initiative highlights Land Transportation Office continued commitment to promoting road safety and equipping drivers with essential life-saving skills, in partnership with MDRRMO Tagkawayan.

LTO Tagkawayan extends its sincere gratitude to MDRRMO Tagkawayan for their collaboration, and to the proponent of LTO Tagkawayan for their valuable assistance in making this activity possible. Appreciation is likewise extended to all participants for their active engagement and cooperation.





24/02/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐’๐€๐Œ๐๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐’๐Ž๐๐† ๐Š๐‘๐ˆ๐Œ๐ˆ๐๐€๐‹ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐๐€ ๐๐”๐’ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‚๐‘๐€๐’๐‡ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐…๐€๐๐“๐€, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐† ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐‚๐“

๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ๐š, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง โ€” Umabot na sa pormal na aksyon ang imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon matapos sampahan ng kaso ang driver at rehistradong may-ari ng isang colorum na bus na nasangkot sa malagim na road crash incident sa bayan ng Infanta, Quezon, na ikinasawi ng isang pasahero at ikinasugat ng ilan pa.

Sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa direktiba ng Department of Transportation sa pamumuno ni Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez, ikinasa ng LTO ang agarang paghahain ng reklamo laban sa mga responsable.

Pinangunahan ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena ang pagsasampa ng kaso laban sa driver at operator, kaugnay ng paglabag sa Section 18 in relation to Section 24 ng Commonwealth Act No. 146 o ang Public Service Act, na nagbabawal sa operasyon ng mga pampasaherong sasakyan na walang prangkisa.

Ayon sa Spot Report, nawalan umano ng kontrol ang bus habang binabagtas ang isang bahagi ng kalsada sa Infanta, dahilan upang magdulot ito ng seryosong pinsala sa mga sakay at sa huli ay kumitil ng buhay ng isa sa mga biktima.

Mariing iginiit ng LTO na ang operasyon ng colorum na sasakyan ay hindi lamang paglabag sa batas kundi tahasang paglalagay sa alanganin ng buhay ng mga pasahero.

Sa pahayag ni RD Decena:

โ€œHindi namin palalampasin ang ganitong uri ng iligal na operasyon na malinaw na naglalagay sa panganib ng buhay ng ating mga kababayan. Ang insidenteng ito ay isang paalala na ang colorum na transportasyon ay walang lugar sa ating mga kalsada. Patuloy naming paiigtingin ang operasyon laban sa mga lumalabag upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino.โ€

Sa gitna ng trahedyang iniwan ng insidente, muling iginiit ng LTO na ang pananagutan ay hindi nagtatapos sa paghahain ng kaso. Para sa ahensya, ang tunay na laban ay ang tuluyang pagpuksa sa colorum na operasyon na patuloy na naglalagay sa publiko sa panganib. Habang hinihintay ang hustisya para sa mga biktima, malinaw ang mensahe ng pamahalaan, walang puwang ang iligal na transportasyon sa lansangan, at ang bawat paglabag ay may kaakibat na pananagutan.







09/02/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐•๐€๐ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‡๐ˆ๐“-๐€๐๐ƒ-๐‘๐”๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐˜๐€๐๐€๐’, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐

๐“๐š๐ฒ๐š๐›๐š๐ฌ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง - Agad na kumilos ang LTO Calabarzon matapos masawi ang dalawang angkas ng isang motorsiklo at magtamo ng malubhang mga sugat ang driver sa isang hit-and-run incident na kinasangkutan ng isang van sa Barangay Lakawan, Tayabas City, Quezon.

Ayon sa Police Report, isang humaharurot na van ang bumangga sa motorsiklo, na ikinasawi ng dalawang sakay nito at nag dulot ng malubhang mga sugat sa driver nito. Matapos ang insidente, tinangka pang tumakas ang driver ng van ngunit agad itong naaresto ng mga awtoridad.

Ang opisina sa ilalim ng pamumuno ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, ay agad na naglabas ng Show Cause Order laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng van. Inaatasan ang mga ito na magsumite ng verified comment o paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga sinisilip na paglabag ang reckless driving, posibleng colorum operation, paglabag sa mga patakaran sa operasyon ng sasakyan, at ang posibleng kanselasyon o pagbawi ng lisensya ng driver.

Bilang paunang hakbang at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang imbestigasyon, pansamantalang sinuspinde ng LTO ang lisensya ng driver sa loob ng siyamnapung (90) araw at inatasan itong isumite ang lisensya sa itinakdang petsa ng pagdinig. Isinailalim din sa alarm status ang van na sangkot sa insidente upang maiwasan ang paggamit, pagbebenta, o paglipat ng pagmamay-ari nito nang walang pahintulot ng LTO.

Ayon kay LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, hindi kukunsintihin ng ahensya ang anumang uri ng iresponsableng pagmamaneho, lalo na kung may nasasawi.

โ€œHindi kami magdadalawang-isip na gamitin ang buong kapangyarihan ng batas laban sa sinumang motorista na maglalagay sa panganib ng buhay ng iba. Ang pagtakas sa lugar ng aksidente ay isang malinaw na pagpapakita ng kawalan ng pananagutan. Sisiguraduhin ng LTO na mapapanagot ang driver at ang may-ari ng sasakyan alinsunod sa umiiral na mga batas at patakaran,โ€ pahayag ni RD Decena.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa Philippine National Police at iba pang ahensya upang matiyak na magiging mabilis, patas, at komprehensibo ang imbestigasyon sa insidente.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr. na higpitan ang disiplina sa kalsada at panagutin ang mga pasaway na motorista, sa patnubay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas na lansangan sa buong bansa.







18/12/2025
15/12/2025

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜: ๐“๐„๐Œ๐๐Ž๐‘๐€๐‘๐˜ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐„๐“ ๐ƒ๐Ž๐–๐๐“๐ˆ๐Œ๐„ (๐Œ๐๐‹๐’) ๐€๐“ ๐’๐„๐‹๐„๐‚๐“๐„๐ƒ ๐‹๐“๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’

Please be informed that we are currently experiencing internet connectivity issues through our Internet Service Provider MPLS service, affecting selected Land Transportation Office (LTO) District Offices nationwide.

We wish to clarify that the Land Transportation Management System (LTMS) itself is not affected. However, due to the internet disruption, there will be temporary delays in transaction processing at the impacted district offices.

Our technical team is actively coordinating with the Internet Service Provider to restore the internet connection at the earliest possible time, which will resolve the processing delays.

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause to your transactions and operations. We appreciate your patience and understanding as we work to resolve the issue promptly.

Thank you.

Address

Brgy. Munting Parang
Tagkawayan
4321

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Tagkawayan E.O - Calabarzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share